Tickets sa concert ni Belle, sold out agad ang SVIP at VIP!

Belle
STAR/ File

Mga pasabog ng concert nina Belle Mariano, Morissette Amon, at Angeline Quinto ang mapapanood sa KTX.PH ngayong Enero.

Hindi magpapaawat ang Asia’s Pheonix na si Morissette sa pagdiriwang ng kanyang ika-sampung anibersaryo sa industriya sa digital concert na Phoenix sa Enero 23 (Linggo). Available pa rin ang VIP tickets ng kanyang concert na may kasamang meet and greet sa halagang P1,999 o regular tickets sa halagang P999.

Tuluy-tuloy pa rin naman ang 10Q: Ten Years of Angeline Quinto at the Metropolitan Theatre ni Angeline ngayong Enero. Makakasama niya sa Enero 28 (Biyernes) si Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Kapamilya heartthrob Darren Espanto samantala sa Enero 29 (Sabado) naman ay makaka-duet niya ang nag-iisang Ogie Alcasid. Isang masayang reunion naman ang nakatakdang mangyari sa Enero 30 (Linggo) dahil makakasama ni Angge ang kanyang kasamahan sa ASAP Divas na sina Kyla, KZ Tandingan, at Yeng Constantino. Pwede pa rin silang bumili ng tickets sa halagang P499 kada concert.

Matutunghayan naman sa Enero 29 (Sabado) ang kauna-unahang major solo concert ni Belle Mariano na pinamagatang Daylight. Sa unang araw nga na inilabas ang kanyang tickets at nakakuha na kaagad ang kanyang concert ng P300,000 sa loob ng dalawang minuto at P500,000 sa loob ng trenta minutos. Sold-out na ang SVIP at VIP tickets ng kanyang concert ngunit available pa naman ang general admission sa halagang P195. Sa mga hindi naman makakapanood sa Enero 29, maaari pa rin silang bumili at manood sa Enero 30 (Linggo) sa parehong presyo.

Bukod naman sa concerts nilang tatlo, masayang balita naman ang hatid ng KTX.PH para sa Blooms at ACEs dahil pwede nilang mapanood muli ang One Dream: The BINI and BGYO concert version 2022 sa Pebrero 12 (Sabado) at 13 (Linggo).

Sa presyong P700, mababalikan nila ang concert at mayroon ding hinanda ang dalawang grupo na mga sorpresa para sa kanilang fans.

Show comments