Lalaking personalidad na super yaman, pinagdadamutan ng tulong ang kamag-anak na may sakit

Ang kapaniwalaang leksiyon ng buhay na money is not everything ay maaaring bigyan ng interpretasyon sa iba-ibang paraan. Totoo naman. Hindi salapi ang simula at katapusan ng buhay.

Hindi kayang bilhin ng pera ang mahimbing na tulog, ang kapayapaan ng kalooban at ang parang mababaw lang pero totoo, ang ating panlasa.

Kuwento ng aming source, “Truth! Maraming hindi kayang bilhin ng pera! Ang magandang kalusugan, kaya bang bilhin? Ang dami-daming sobra-sobra ang pera na hindi naman kinakayang gamutin!

“Mas maganda nang pakinggan na kaya namatay ang isang mahirap, e, dahil walang gagastusin sa pagpapagamot, kesa naman sa milyonaryong saganang-sagana sa kayamanan, pero namamatay rin!” unang komento ng a­ming impormante.

May mga taong nahihiga sa salapi na lahat ng gusto sa buhay ay abot-kamay lang, pero hindi naman maligaya, balot ng lungkot ang buhay.

Patuloy ng aming source, “’Yung female personality na super-yaman na nasa kanya na ang lahat-lahat, maligaya ba? Hindi nga kasi nabibili ng pera ang happiness!

“Wala na siyang mahihingi pa sa buhay, lahat ng pinapangarap ng ibang babae, e, nasa kanya na, pero malungkot pa rin siya! Naghahanap pa rin siya ng kaligayahan sa ibang lalaki kahit meron na siyang kasama na super-yaman!” isa pang ehemplo ng aming source.

May mayaman namang male personality na wala ring saysay ang naipong kayamanan. Sobra-sobra na ang salapi niya pero wala ring saysay ‘yun dahil sa kanyang karamutan.

“Ay, balewala rin ang yaman niya, hindi rin kasi nabibili ang compassion! May kadugo siyang nangangailangan ng suporta niya, pero hindi siya marunong mag-share!

“Palaging nangangailangan ang isang kapamilya niya dahil may sakit, pero pahirapan ang panghihingi ng suporta sa kanya! Sarado ang mga palad niya, sa totoo lang!

“Hindi siya happy, sobra-sobra man ang kadatungan niya ngayon, e, wala ring saysay ‘yun, dahil mismong kapamilya na niya, e, pinagdadamutan pa niya?

“Magkaroon man siya nang sangdamakmak na sasakyan, e, balewala rin, walang saysay ang salapi niya! Makipagrelasyon na lang siya sa mga kababaihang halos parang anak na lang niya!

“Maraming hindi nabibili ang pera. Happiness, peace of mind, good health, sound sleep, good appetite. Ang dami-dami!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Followers ni Kris, natatakot sa kanyang medical emergency!

Maraming kinabahan sa terminong medical emergency na ikinakambal kay Kris Aquino para makaalis siya at makapagpagamot sa ibang bansa.

Kapag sinabi nga namang medical emergency ay parang sobrang malala na ang sakit ng isang pasyente, parang kailangang-kailangan na niya ng medical attention, kaya dapat na siyang makaalis.

Sa panahong ito ay napakarami nang tumutulong kay Kris para makalipad siya papuntang Amerika. Pati mga taong-gobyerno ay nagbibigay na ng tulong kay Kris. Ganu’n din ang dahilan—medical emergency.

Pero pinagdadamutan ng panahon at pagkakataon si Kris. Matindi ang mga protocols na hinihingi sa lahat ng mga bumibiyahe pauwi at paalis ng bansa.

Napakaraming kailangan, ang dami-daming hinahanap, kaya ang mabilisan niyang pagpapagamot sa ibang bansa ay nagtatagal.

May kaibigan kami na tinanggihan na ng mga doktor dito sa Pilipinas ang kalagayan ng kanyang mister. Pero dahil meron silang sobra pa sa sapat na panggastos sa gamutan ay sa Singapore nila dinala ang pasyente.

Pribadong eroplano ang nagdadala at pribadong eroplano rin ang nag-uuwi kapag umaayos na ang sitwasyon. Grabe ang kanilang ginastos sa kabuuan ng gamutan. Nasa tatlong daang milyong piso.

Pero walang pinagsisisihan ang pamilya ng aming kaibigan, inilaban nila ang kaligtasan ng kanyang mister, kaya nga lang ay hindi nila hawak ang kapalaran ng kanilang mahal sa buhay.

Sabi ng aming kaibigan, “Napakatindi ng gamutan sa ibang bansa. Araw-araw, parang nilalaslas ang bulsa mo. Everyday, nakikipagsapalaran ka. Everyday rin, dasal ka nang dasal na sana, humaba pa ang buhay ng mahal mo.

“Pero ganu’n talaga, hindi naman tayo ang may hawak ng buhay ng pasyente, pinakamagagaling mang doktor sa buong mundo ang gumamot sa kanya, balewala rin if it’s time for him to go na.

“We can only ask, we can only pray, we can only request, pero kapag talagang panahon na para siya magpaalam, wala na tayong magagawa. Kailangan na lang nating tanggapin na kalooban ng Diyos ang masusunod,” detalyadong kuwento ng aming kaibigan.

Show comments