^

PSN Showbiz

Carlo at Trina, hiwalay na?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Carlo at Trina, hiwalay na?!
Trina at Carlo
STAR/ File

Ang galing ng netizens na kaagad nalalaman nila kung sino ang nag-unfollow sa isa’t isa.

Dito rin nalamang may gap sina Andrea Brillantes at Francine Diaz dahil sa nag-unfollow silang dalawa.

Ang tinututukan ngayon ay ang mag-partner na Carlo Aquino at Trina Candaza na pinagdududahang hiwalay na.

Napansin ng ilang netizens na in-unfollow ni Trina si Carlo.

Bandang huli ay napansin din nilang hindi na rin naka-follow si Carlo kay Trina.

Hindi na rin daw naka-tag si Carlo sa ilang IG stories ni Trina.

May problema kaya silang dalawa?

Pareho silang tinatanong ng ilang followers nila kung bakit sila nag-unfollow sa isa’t isa, pero hindi nila sinasagot.

Itong ‘unfollow’ na drama talaga nagsisimula ang kuwentong hiwalayan.

Lalabas at lalabas din ‘yan!

John Lloyd, regular ang bonding sa anak

Nakakatuwa itong Happy ToGetHer na sitcom ni John Lloyd Cruz dahil pataas nang pataas ang rating tuwing Linggo.

Mataas ang viewership nung nakaraang Linggo, Jan. 16. Naka-14.2 percent ito na nanggaling sa 13.9 percent.

Si Faith da Silva ang special guest nila nung nakaraan at bale pangatlong episode na ito na siya pa rin ang guest.

Sinilip ko rin nga ito nung Linggo, at lalong gumanda itong dalaga ni Dennis da Silva at bagay sila ni John Lloyd.

Madali namang mag-adjust kasi si Lloydie at nagkakaroon agad ng kilig. Pero ang cute nilang tingnang dalawa. Sinasabi naman ni Faith na dream come true itong nakasama na niya sa isang project ang hinahangaan niyang artista.

Kinukuwento naman niya noon na pumipila raw sila ng lola niya sa sinehan para mapanood ang pelikula ni John Lloyd at makita niya ito. Kaya puwedeng si Faith na kuning regular at makaka-partner sa sitcom na ito.

Pero hindi na pala si Faith ang guest sa HappyToGetHer sa darating na Linggo kundi sina Khalil Ramos at Kapuso sexy actress Faye Lorenzo.

Samantala, regular palang nakakasama ni John Lloyd ang anak niyang si Elias tuwing weekend. Nung na-interview nga si Derek Ramsay sa DZRH nung Linggo, binanggit niyang hindi nila kasama nung araw na ‘yun si Elias dahil na kay John Lloyd ito. Si Lloydie raw pala mismo ang sumusundo kay Elias, at okay naman daw sila. Walang problema sa kanila ni Ellen Adarna ang ganung setup. “Civil kami. We’re working together for the best interest of Elias. Walang problema dun,” sagot niya sa tanong kung okay sila ni John Lloyd.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with