^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad, inamin ang anak nang lumaylay ang career

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng ating mga kababayan ang isang matinding pagsisinungaling na ginawa ng isang female personality tungkol sa kanyang personal na buhay.

Sa kagustuhan niyang huwag masira ang takbo ng kanyang karera ay itinago niya ang pagkakaroon ng anak nu’ng teenager pa lang siya.

Maraming nakakaalam na meron na siyang anak, pero wala siyang pakialam, buong-ningning pa rin niyang ipinagkakaila ang katotohanan.

Kuwento ng aming impormante, “Nakakaawa ang bata, ipinakikilala lang niyang pamangkin, kapag may nagpupunta sa bahay niya, ipinatatago niya sa yaya ang bagets.

“Hinamon pa siya nu’n ng isang reporter, kilala ng nag-iinterbyu sa kanya ang doktor na nagpaanak sa kanya sa isang pribadong ospital, pero talagang nagdenay pa rin siya! Ganu’n siya katindi!” unang kuwento ng aming source.

Maraming taon na itinago ng female personality ang katotohanan. Marami ring ipi­nagdamot ang babaeng personalidad sa paglaki ng kanyang anak.

Patuloy ng aming source, “Mommy niya ang uma-attend sa mga meeting sa school ng anak niya. Hindi niya rin ihinahatid at sinusundo ang anak niya sa school.

“Ihatid man niya o sunduin ang bagets, e, nagtatago siya, hindi siya nagpapakita kahit kanino, nandu’ng naka-shades siya nang pagkalaki-laki, minsan naman, e, nakasumbrero siya para hindi siya makilala ng kahit sino.

“Ang dami-daming ipinagdamot ng panahon sa kanyang anak, pamangkin lang daw niya ang bagets, nasa ibang bansa ang mga magulang, kaya sila na ng mommy niya ang nagpalaki,” impormasyon pa ng aming source.

Heto na. nagsarado ang mga programang kasama siya, nawala rin siya sa isang talk show, lumamlam ang ningning ng kanyang bituin na hindi naman sumikat nang bonggang-bongga.

“Nu’n lang siya umamin na meron na nga siyang anak. Hindi na niya pamangkin ang magandang bagets, anak na niya, batambata pa siya nang magkaanak.

“Kapapanganak lang din niya ngayon, siya mismo ang nag-aalaga, hands-on siya sa anak niya. Mabuti naman! Bumabawi siya sa kasalanang ginawa niya nu’n!

“Ipinakikita na niya sa publiko ang anak niya, never na niyang itinago, dahil maraming hindi magandang naganap sa buhay at career niya dahil sa kasinungalingan niya!

“Sabayan natin ang kanta! ____ 1, igalaw ang katawan, ____ 2, kumembot nang ganito, ____? 3, parang kinikiliti, ____ 4, gagayahin ng F4!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris, nadagdagan ang dinadalang sakit

Ano bang sa mundo ng showbiz lang? Ma­ging sa mundo ng pulitika ay pinagpipistahan ang makasaysayang pagwawakas ng relasyon nina Mel Sarmiento at Kris Aquino.

Marami ring Marites at Tolits sa pulitika. Sila ‘yung mga kilalang personalidad na nagtatawagan at nagtsitsismisan kung ano ang nagaganap tungkol sa mga artista.

May mga kakilala nga kaming sikat na pulitiko na hindi lang mahilig sa mga kuwentong-artista, nang­huhula rin sila ng mga blind items, tulad din natin sila na mahilig makitsismis na ang pagkakaiba lang ay meron silang upuan sa gobyerno.

Ang pinipira-pirasong kuwento ngayon sa mundo ng pulitika ay ang paghihiwalay nina Kris at Mel Sarmiento. Naglabas na ng kanyang opisyal na pahayag si Kris, nabasa na ‘yun ng buong mundo, ang hinihintay na lang nila ngayon ay kung ano naman ang pagiging saloobin ng dating sekretaryo ng DILG tungkol sa senaryo.

Pero wala! Magtatatlong linggo na silang hiwalay, pero ang tanging lumabas mula sa pulitiko ay ang text message nito kay Kris, wala nang sumunod pa.

Komento ni prop, “Napakasakit ng pangyayaring ito para kay Kris. Sumabay pa naman sa pagkakasakit niya. Walang kahit anong reaction si Mr. Sarmiento, mag-asawang sampal ‘yun para kay Kris!

“Sabi niya, it’s not her loss. Hindi niya ‘yun kawalan. Pero sabi lang niya ‘yun! Nu’ng sabihin niya sa politician na hiwalay na sila, tumalikod agad ‘yung lalaki.

“Walang pagdadalawang-isip, exit siya agad, hindi man lang niya ipinaglaban ang pagmamahalan nila ni Kris. And if we know her, sobrang sakit nu’n para kay Kris! ‘Yun ang sinasabi ng mga bashers na nakatagpo siya ng katapat!” reyalisasyon ni prop.

May katwiran ang katwiran. May punto rin si prop. Kunsabagay, bago pa sila nagkaroon ng relasyon ay alam na naman ni Mel Sarmiento ang kanyang pisikal na sitwasyon, ipinagtapat na ‘yun ni Kris sa pulitiko.

Kaya nga panunumbat ng mga nakikisimpatya kay Kris, kung kailan niya kailangan ng taong magmamahal at mag-aalaga sa kanya ay saka naman biglang lumabas sa kanilang relasyon si Mel Sarmiento, ginamit lang daw nito ang TV host.

Nasugatan ang pride ni Kris Aquino. Siguradong nakadadagdag ‘yun sa pisikal na sakit na nararamdaman niya ngayon.

 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with