Arjo may pa-free antigen sa Quezon City, bagman kay Maine
Wow, hindi lang sa highly acclaimed series Bagman si Arjo Atayde.
Ganito rin ang role niya kay Maine Mendoza sa kumalat na photos nila sa Twitter.
Bagman na bagman dahil siya ang tagabitbit ng bag ni Maine. Though walang dateline kung kelan ‘yun.
Samantala, katuwang si Arjo sa isinasagawangng libreng antigen testing ng lokal na pamahalaan ng Quezon City Epidemiology & Disease Surveillance at kanyang Team Aksyon Agad para sa mga residente ng District 1.
Nauna na silang nagsagawa sa Barangay Paltok kahapon at sa Lunes, Jan. 17, 2022, sa Barangay Mariblo, Barangay Paraiso, Barangay Talayan at Barangay Sto. Domingo magsasagawa ng free antigen.
Malaking bagay ngayon ang free antigen dahil sa rami ng may sintomas. Bukod sa hirap bilhin ngayon, sobrang mahal sa black market antigen kits.
Kahapon ay another record high na naman dahil ang new positive cases ay 39,004.
- Latest