^

PSN Showbiz

Shaina Magdayao positibo na rin sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Shaina Magdayao positibo na rin sa COVID-19
Litrato ng aktres na si Shaina Magdayao
Mula sa Instagram account ni Shaina Magdayao

MANILA, Philippines — Parami nang parami ang mga celebrities na nagpopositibo sa COVID-19, ito habang nagkakaroon ng panibagong surge ang nakamamatay na sakit kasabay ng mas nakahahawang Omicron variant.

Ibinahagi ng aktres na si Shaina Magdayao nitong Miyerkules na nagpositibo siya sa COVID-19, bagay na kasabay ng patuloy na sama ng pakiramdam at pagkakaroon ng lagnat.

"#Positive. ???????? Tested positive last January 9 on Antigen. Symptoms started to show a day after my booster shot (January 7) so we thought my fever was just due to my shot," ayon sa kanyang Instagram post kahapon.

"But I just kept on feeling worse, day by day. Result of my RT PCR(taken last Jan 9) came out last night. As expected, positive."

Aniya, consistent na nasa 38-39 °C ang kanyang temperatura kasabay ng napakasakit na lalamunan, matinding ubo, plema at pagkakaroon ng rashes sa buong katawan.

Kasalukuyan siyang nasa ika-apat na araw ng isolation ngayong Huwebes, habang ibinabahaging karamihan sa mga kilala niya ay nahawaan din o pagaling na.

 

 

"Thank God my family is safe and healthy ???? #Grateful for friends and family who have been checking on me every single positive day ????????," saad pa ng dating child star.

"Praying for everyone’s safety… May Your HEALING cover our minds and bodies. Fill our hearts and minds with your #peace. Heal and strengthen us, O Lord ????????
Amen."

Kamakailan lang din nang magpositibo rin sa COVID-19 ang mga artistang sina Aga Mulach, Charlene Gonzales, RK Bagatsing, Jane Oineza, Pokwang, Miriam Quiambao, Ritz Azul at Iya Villania na kasalukuyang nagdadalang-tao.

Aabot na sa 3.09 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakasariwang datos ng Department of Health. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 52,736 katao. — James Relativo

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with