^

PSN Showbiz

Aktor kumpirmadong bagong buhay, tinantanan na ang pagwawalwal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kumbinsido na ang mga katrabaho ng isang pamosong male personality na talagang tinalikuran na niya ang mga hindi kagandahang isyung pinagtuunan niya ng panahon nu’ng mga nakaraang taon.

‘Yun ang unang pinansin sa kanya ng buong produksiyon. Madali nga namang malaman kung hindi pa siya nakalalabas sa pagbibisyo pero maganda ang naging resulta ng kanilang pagsasaliksik.

Kuwento ng aming source, “Maayos na maayos na siya ngayon, balik na siya sa dati, alam na alam niya ang mga ginagawa niya. Dati kasi, e, palagi siyang walwal!

“Dumarating siya sa location na amoy chiko, lasheng ang lolo n’yo! Ilang taon ka­sing puro ganu’n lang ang ikot ng kanyang mundo!” unang rebelasyon ng aming impormante.

Malinis na malinis na kuno ang kilalang male personality, wala na ang dramang pinagdaanan niya na hindi siya halos makababa sa kanyang kotse, may hangover kasi siya.

Patuloy ng aming source, “Ibang-iba na siya ngayon. Napa­kaaga niyang dumarating sa set, mas nauuna pa nga siya kung minsan sa staff and crew! Wala na siyang pinaghihintay ngayon.

“Pagdating niya, e, kabisado na rin ng male personality ang mga dialogues niya, konting rehearsal lang, take na agad! Talagang sa tao lang kailangang manggaling ang pagbabago, hindi sa ibang tao!

“Masayang-masaya na ang male personality ngayon, kahit pa nabigo siya sa katatapos lang niyang pakikipagrelasyon, e, nakapag-move-on na siya. Ayaw niyang masyadong mag-share ng happiness niya ngayon, nadala na siguro siya, kaya medyo discreet ang relasyon nila ngayon ng isang girl na nakakasundo niya sa maraming bagay,” dagdag na impor­masyon pa ng aming source.

Maraming masaya para sa male personality, miss na miss na kasi ng mga ito ang dating siya, positibo ang pana­naw sa mundo at mahal na mahal ang kanyang trabaho.

“Imperness, walang pagbabago sa itsura niya, guwapo pa rin siya, napakahusay pa rin niyang umarte! Hindi nabalagoong ang acting niya, ganu’n talaga ang mga artistang pansamantala mang nawala, e, dalawang kamay pa ring makababalik.

“Salamat naman at nauntog din siya sa katotohanan na sayang na sayang ang nasimulan niya. Nangwawasak kaya ng takilya ang mga movies niya kahit sino pa ang maging leading lady niya!” masayang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Lotlot, matigas pa rin ang puso!

Maraming nag-text na Noranians sa amin para ibalita na dinalaw ng kanyang mga anak si Nora Aunor nitong maka-Bagong Taon.

Dumating sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth. Pati ang kanyang mga apo ay nakasama ng Superstar. Si Lotlot de Leon lang ang wala.

Anuman ang gawin ni Nora Aunor na hindi maganda sa panlasa namin ay palagi naming maaalala ang maganda niyang puso. Hindi na magbabago ‘yun habampanahon.

Si Ian lang ang nagmula sa kanyang sinapupunan, sina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko ay sa puso na niya nagmula, hulog sa kanya ng langit.

Hindi lahat ng tao ay makapagmamahal ng mga binhing hindi naman sa kanya. Puso ang nagtulak kay Nora Aunor para tanggapin, alagaan at palakihin ang kanyang mga tinaguriang ampon.

Itinuring niyang mga sariling anak ang mga batang ni gapatak na dugo ay walang kuneksiyon sa kanya. Kung hindi dakilang matatawag ang ipinakita ni Nora Aunor ay hindi na namin alam kung anong termino ang ireregalo namin sa kanya.

Sabi ng isang Nora­nian na tumawag sa amin, “Wala pong utang na loob si Lotlot! Pagkatapos siyang ituring na anak ni Ate Guy, e, ganito pa ang igaganti niya! Wala siyang utang na loob talaga!”

Hindi namin alam kung gaano kalalim ang itinatagong galit o tampo ni Lotlot sa Superstar. Maaaring may dahilan ‘yun, pero hindi alam ng publiko, kaya hanggang ngayon ay nagmamatigas pa rin si Lotlot.

Sabi namin ay apat na anak ni Nora ang dumating, iisa lang si Lotlot na wala, siguro’y mas kailangan nilang pahalagahan ang magkakapatid na nagbigay ng respeto sa kanilang magulang.

Napakaigsi ng buhay, hindi natin alam kung kailan tayo mawawala, kaya kailangang sulitin na natin ang panahon na makapiling ang mga taong nagmahal at nagpala sa atin.

Sabi nga, habang nabubuhay pa sila ay ipaamoy na natin ang bango ng mga bulaklak. Dahil kapag wala na sila, pinakamahal at pinakamabango mang bulaklak ay mawawalan na ng saysay, wala nang makakaamoy.

Ang mahalaga ay maligaya si Nora Aunor. Kaligayahang hindi kayang pantayan ng salapi, ng kasikatan, at ng kahit ano pang materyal na bagay sa mundo.

‘Yun ang pinakamarkado.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with