^

PSN Showbiz

Janine, may natutunan sa pagmamahal!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janine, may natutunan sa pagmamahal!
Janine
STAR/ File

Sa susunod na linggo ay magtatapos na ang Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Ayon sa aktres ay talagang hahanap-hanapin niya ang kanilang masayang bonding sa set kapag nagwakas na ang programa. “The best, siyempre binusog nila ako ng pagkain at pambu-bully. But I’m really so happy to be part of this cast especially with Jake (Ejercito), Paulo (Avelino) and everyone. I think we gelled so well and talagang naging pamilya na talaga kami. Mami-miss ko ‘yung pa-lechon ni Pau kasi palagi siyang nagpapa-lechon on set kahit walang may birthday,” nakangiting kwento ni Janine.

Maraming mga eksena nila ni Paulo ang hinding-hindi raw makalilimutan ng aktres na ginawa nila sa serye. “Favorite scene ko ‘yung mga kulitan ng mag-asawa. ‘Yung mga nakakatawa na nung sinu-shoot na namin ni Pau, ‘yung parang may kababalag­han na nangyari sa sala. Tapos may pumasok na tao so kailangan magtago or ‘yung naliligo ako tapos bigla siyang papasok. ‘Yung mga eksena na parang ako as a viewer hindi ko pa napapanood sa teleserye na in a super light and charming sweet way and ‘yung mga gano’ng bagay-bagay na pagiging mag-asawa ang mga favorite ko,” paglalahad niya.

Sinisiguro ni Janine na maraming matututunan ang mga manonood tungkol sa pag-ibig o pagmamahal sa pagwawakas ng kanilang programa. “Favorite ko ‘yung isang song sa soundtrack namin na Buo. Kasi it talks about how you don’t have to be with someone perfect but someone who’s real and someone whole loves you and ‘yung mamahalin mo ‘yung buong pagkatao nila. I think maa-apply mo talaga ‘yon sa buhay mo,” makahulugang pahayag ng aktres.

Vivoree, ngarag sa kanyang pagiging bida

Magbibida sa QR Code episode ng Click, Like, Share si Vivoree Esclito. Mapapanood na ang naturang digital series simula ngayong Miyerkules.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil nabigyan ng pagkakataong makapagbida ngayon sa isang proyekto. “Lahat naman ng mga character na nabibigay sa akin, I’m grateful for. Kasi if you have passion for acting talaga parang it doesn’t really matter that much. Kung ano ‘yung characters na gagampanan mo basta meaningful and memorable ‘yung experience man lang for you. Kasi dati talaga pangarap ko lang siya and wala akong masyadong projects before but now that I’m under Rise Artists Studio and Star Magic. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa management ko for giving me the opportunity. For the opportunity to be given a role na lead, sobrang grateful ako and I just want to do my best. And I just want to keep doing this for a long time din,” paliwanag ni Vivoree.

Si Andoy Ranay ang nakatrabahong direktor ng dalaga para sa naturang serye. Ayon kay Vivoree ay talagang mabilisan lamang ang kanilang naging trabaho sa bagong prog­rama. “Alam ni direk Andoy kung gaano kangarag ‘yung character ko rito, sobra. Physically and emotionally, kasi ang dami niyang pinagdaanan and sobrang short period of time lang ‘yung shooting namin. We had to be collaborative and talagang gawin ‘yung best namin on set and we really had to know kung saan galing ‘yung isang scene and sino ba talaga ‘yung character. Fun siya kasi may pagka-comedy ‘yung episode na ito and ‘yung challenge do’n ‘yung ngarag na moments. They helped and guided me throughout the scenes,” kwento ng aktres.  (Reports from JCC)

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with