^

PSN Showbiz

Elmo, pinaghandaan ang comeback sa teleserye

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elmo, pinaghandaan ang comeback sa teleserye
Elmo
STAR/ File

Magdadalawang taon na ang nakalilipas nang hu­ling nakagawa ng teleserye si Elmo Magalona.  Hu­ling napanood ang aktor sa A Soldier’s Heart at muling mapapanood sa Click, Like, Share simula ngayong Miyerkules.

Magbibida ang binata sa Unseen episode ng naturang serye. Masayang-masaya si Elmo dahil nakabalik na sa pagtatrabaho. “Kasi I’ve just been home. I don’t want to get sick or anything. We had to undergo a lot of the safety protocols. Now that Click, Like, Share is going to be coming out, siyempre doble pa ‘yung excitement ko. This is actually my first thing na mapapalabas na finally and I’m so thankful na mapapalabas na siya,” pahayag ni Elmo.

Si Jane Oineza ang makakatambal ng aktor sa Click, Like, Share. Talagang pinaghandaan umano ni Elmo ang kanyang karakter dito. “Honestly, no’ng nakuha ko ‘yung script, hindi ko alam na may gano’ng palang scene. Alam mo ‘yung parang meron kang exam tomorrow, magka-cram ka lang. Gano’n ‘yung naging pakiramdam ko no’ng nagpi-prepare ako. Pero I was patient. Hindi ako kumakain ng everything para lang mapaganda pa ‘yung scene namin ni Jane,” nakangiting kwento ng binata.

Umaasa si Elmo na mas maraming proyekto pa ang kanyang magagawa ngayong taon. “Hopefully things keep on rolling from here on and sana with this start of the year maging prosperous pa ang year natin,” giit niya.

Jett, nagkapamilya sa taping

Malaki ang pasasalamat ni Jett Pangan dahil naging bahagi siya ng Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Ayon sa bokalista ng bandang The Dawn ay talagang pamilya na ang naging turing ng bawat isa sa kanilang set. “Maraming Salamat sa lahat ng cast na bumubuo, for making me really feel home, for making me really a part of this family. I’m sure nag-radiate ‘yan sa performances naming lahat na talagang isa kaming pamilya dito. I fell in love with everyone. It’s a great cast,” pagbabahagi ni Jett.

Maraming nakababatang kasamahan ang singer-actor sa naturang serye. Para kay Jett ay hindi na kailangang turuan ang mga kasama pagdating sa kanilang trabaho. “Personally speaking ‘pag tinanong lang naman ako then I will give my two cents. But everyone here is really doing their part eh. Kaya para sa akin magic combination ito. Everyone was really on top of themselves. Talagang ginawa nila ‘yung kailangang gawin. Ang dami talaga namin pero we were able to really find our spots, our corners kumbaga in the story. Magaling din kasi ‘yung nagsulat eh. It’s one cohesive unit kumbaga,” paliwanag niya.

Sa huling dalawang linggo ay dapat umanong pakaabangan ang bawat eksena sa Marry Me, Marry You ayon kay Jett. “Marami pang mangyayari, marami pang unpredictable moments. I’m sure magugustuhan ninyo,” pagtatapos ng singer-actor. (Reports from JCC)

vuukle comment

ELMO MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with