^

PSN Showbiz

Marvin, ‘di pa pinatatahimik sa palpak na cochinillo

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kahit 2022 na...

Hanggang ngayong 2022 na ay hindi matapus-tapos ang pag­hingi ng sorry ni Marvin Agustin dahil sa mga palpak na delivery niya ng mga cochinillo noong nakaraang Pasko.

Marami ang galit na galit ha. Kasi ba naman may nakakuha ng sunog, at may nakakuha na ang balat ay makunat na parang belekoy, at hindi biru-biro ang halagang ibinayad nila para sa mga cochinillo na iyon.

May dahilan naman si Marvin. May palpak din daw na delivery sa kanila ang suppliers. Kung kailan pa maraming orders dahil nga sa Pasko at saka nagkaroon ng trouble ang kanilang oven.

Pero alam ninyo ang mga taong galit dahil nagbayad sila nang tama pero sa halip na cochinillong masarap ang nai-deliver sa kanila ay konsumisyon, mahirap mong mapatigil iyan kahit na maglupasay ka pa sa pagpapaliwanag sa kanila.

Mabigat pero palagay namin ang dapat gawin ni Marvin ay isauli niya ang ibinayad ng mga taong nabigyan nila ng konsumisyon.

O ‘di kaya, bigyan na lang nila ng libreng cochinillo bilang kapalit ng konsumisyon, hindi man ngayon, maaaring sa susunod nilang okasyon.

Kung hindi, mas malaking sakit ng ulo iyan. Baka magsumbong pa iyan sa DTI, mas lalala pa ang problema niya.

BAKA MA-ENCHONG... MGA MARITES, PINAG-IINGAT SA FAKE NEWS

Nakita na namang magkasama ang “magkaibigang” sina Paolo Contis at Yen Santos, sa pagkakataong ito sa Boracay.

Siyempre magkaibigan nga silang dalawa eh, hindi imposibleng magbakasyon sila “as friends.” Bakit naman kasi iyang mga Marites eh, sobrang magbigay ng mga kakaibang kahulugan sa nakikita nilang magandang pagtitinginan ng mga tao.

At talagang matindi ang mga Marites, dahil baka nga naman sabihin nagkakalat lang sila ng fake news kagaya ng political trolls, kaya sila may ebidensiya. Nakunan pa nila ng pictures ang “magkaibigang magkasama sa Boracay. ”

Pero ano naman ang masama kung magkaibigan nga sila? At ano rin ang masama kung magkasama sila?

Eh kung tutuusin magkasama rin namang nag-Christmas sina Enrique Gil at Liza Soberano. Kung natatandaan ninyo, nagpaalam naman si Liza sa ABS-CBN na kailangan niyang magpunta sa US dahil hindi na maganda ang kalagayan ng kanyang lola na nagpalaki sa kanya. Pero ang tanong nga ng mga Marites, iyon bang lola ni Liza ang siya ring nagpalaki kay Enrique kaya nandun din siya?

Kayo naman oo, hindi ba inaamin na naman nina Enrique at Liza ang kanilang relasyon. Siguro para sa kanila iisa na nga lang ang kanilang pamilya, tutal magiging ganoon din naman iyon pagda­ting ng araw.

Mayroon pang isang magsyota na magkasama nga sa abroad noong nakaraang Pasko at hanggang ngayon. May nakakuha rin ng pictures nila na magkasama. Iyon nga lang, ang kaibahan ay pareho silang lalaki. Baka pagbalik nila rito hirap na namang maglakad ang isa.

Pareho naman ang dalawang pogi na may dahilan sa kanilang bakasyon. Nagpaalam naman sila pareho sa kanilang network. Pero ngayon lang nalaman ng network na magkasama pala silang dalawa, pero ano naman kung magkasama sila. Eh friends naman sila.

Ang mga Marites ha, kailangang maging maingat din sila sa kanilang mga dada at post sa social media. Baka sila ma-Enchong Dee, mahirap na. Si Enchong nag-apologize pa pero nakademanda ngayon ng isang bilyon.

Gay matinee idol, kinakantiyawan sa regalo

Galit-galit muna sa kanyang showbiz friends ang isang gay matinee idol. Baka kasi makantiyawan siyang hindi marunong magbigay ng gifts. May mga naririnig na nga kaming mga disgusted na nagsasabing “ang tagal naming pinagtatakpan na bakla siya, kahit na banana cue walang ibinigay.”

Sana maunawaan naman nila ang gay matinee idol. Barya-barya lang naman ang kinikita niyan baka nga naman kung bigyan kayo ng tigtatlong tira-tira o champoy siraan pa ninyo siya. Hindi naman niya kayang mamigay ng mamahaling regalo, at hindi katungkulan ng artista na magbigay ng regalo.

Bakit ba ginagawang sapilitan ang pagbibigay ng regalo na hindi naman dapat?

vuukle comment

MARVIN AGUSTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with