^

PSN Showbiz

Dennis at Julia, nagkasundo na

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dennis at Julia, nagkasundo na
Julia at Dennis
STAR/ File

May paalala kay Gerald...

Nanunumbalik nang muli ang maganda at maayos na pakikitungo nina Dennis Padilla at Julia Barretto sa isa’t isa. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-ama dahil sa ilang personal na bagay. “Okay naman although siyempre para kang nagsisimula ulit. So galing kami sa misunderstanding so now nagsisimula pa lang kami. One step at a time, building it up again. Kailangan lang talagang open ‘yung communication para sa lahat ng nararamdaman mo masasabi mo na kaagad, hindi mo napupuno. So gano’n din sa side nila, kailangan naka-open ‘yung communication at tuluy-tuloy para meron kayong magandang napag-uusapan, may magandang napupuntahan ‘yung mga topic ninyo,” paglalahad ni Dennis.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapagdiwang ng kapaskuhan ang aktor at ang mga anak nila ni Marjorie Barretto. Nakatakdang puntahan ni Dennis ang mga anak upang makasama sa isang special dinner. “Kami nina Julia after New Year na kami magdi-dinner. Kasi they were so busy din and may mga business pa sila on the side eh busy din ako. So sabi ko after the Christmas season. Tapos gusto ko bago ko sila i-meet, magsa-swab test din ako and mag-a-isolate din ako ng one day bago ko sila puntahan para safe sila,” kwento ng komedyante.

Samantala, noon pa man ay suportado talaga ni Dennis ang buhay pag-ibig ni Julia. Masaya ngayon ang aktres sa relasyon nila ni Gerald Anderson. Mayroong mensahe si Dennis sa mga kasintahan ng kanyang mga anak na babae. “’Pag niloko emotionally, eh gano’n talaga ang buhay sa tingin ko. Basta huwag lang sasaktan. ‘Pag sinaktan nila ‘yung mga anak ko physically, physically din ang igaganti ko, sigurado ‘yon. Hindi na ako comedian no’n, action star na ako,” nakangiting pahayag ng aktor.

Rachel, may sikreto kung bakit fit lagi

Kapansin-pansin pa rin ang magagandang pangangatawan ni Rachel Alejandro sa edad na 47. Ayon sa singer-actress ay talagang maingat siya sa lahat ng kanyang mga kinakain. “Talagang I eat healthy food. Of course, doesn’t mean naman na hindi ko kinakain lahat ng mga paborito ko. Kasi that’s the thing eh, may kaibahan naman. Like for instance, if I’m preparing for a concert, kapag nagpi-prepare ako para sa isang teleserye, doon ko talaga nili-limit ‘yung mga portions at ‘yung carbs. But the rest of the year, ‘pag wala naman akong seryosong pagpapa-sexy na kailangang gawin, I just eat healthy,” pagbabahagi ni Rachel.

Bukod sa mga pagkain ay puspusan din ang ginagawang pagwo-workout ng singer-actress upang mapanatiling maganda ang katawan. “2000 nag-umpisa na akong mag-workout sa gym regularly. Kapag nandito ako sa Pilipinas, meron ako talagang nagte-train sa akin with weights. Kasi ‘yung strength training napakalaking bagay ‘yan para sa mga joints natin. Para sa bone density natin especially as we get older. It’s important for our mobility para maging strong ‘yung ating back, ang ating core. I alternate that minsan with barre. Barre workouts, gustung-gusto ko ‘yan kasi ang barre kino-combine niyan ang yoga with a little bit of ballet. Maraming combined na exercises na talagang nata-target lalo na ‘yung ating mga areas na as you grow older ay medyo bumabagsak na. ‘Yon ang mga workouts that I love to do. Hindi ako sobrang sipag talaga mag-cardio, although I do love to dance,” pag­dedetalye niya.

Nagbigay din ng payo si Rachel para sa lahat ng nagnanais na magpapayat o magbawas ng kanilang timbang. “Eat a healthy snack, something small. One of the secrets na sinabi sa akin ng nutritionist, for weight loss you can only have a total of one cup of rice for the whole day or one piece of bread. So kunyari i-divide n’yo ‘yung rice na ‘yon into half cup, papayat kayo niyan,” pagtatapos ng singer-actress. (Reports from JCC)

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with