^

PSN Showbiz

Mga sinehan na bagong renovate, bubuksan na!

ISYU AT BANAT! - Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Ang aming pagbati ng isang Napakasaganang Bagong Taon na punung-puno ng kapayapaan at lahat ng kabutihan para sa inyong lahat. Feliz anno Nuevo. Novus Annus.

Sa mga kaibigan nating mahilig sa Korean series, Saehae bok mani badeuseyo.

Sa ating Japanese friends, Akamashite omedeto. Sa ating Chinese friends, kasama na ang mga nambobomba ng tubig sa ating mga mangingisda sa West Philippine Sea, Xinian kuaile.

Nawa’y matamo na natin ang lahat ng kagalingan sa taong 2022. Ganyan ang aming panalangin habang isinasabit namin ang aming bagong kalendaryo kahapon ng umaga.

Umaasa rin kami ng mas mabuting development para sa industriya ng pelikula at telebisyon sa ating bansa. Hindi natin maikakaila na bumababa ang pagtangkilik sa ating mga pelikula bago pa man ang pandemic, na ang dahilan ay ang mga tinipid na pelikula. Ang resulta mas walang nanonood, at ang mga artista natin ay nawalan ng trabaho.

Iyong idinadaos pa rin ngayong MMFF, huwag nang kung anu-anong alibi pa ang ginagawa natin, aminin natin na hindi kumita ang mga pelikulang kasali riyan.

Ang nakikita lang naming dahilan ay ang kakulangan ng kaalaman ng mga “lider” na nagpapatakbo ng industriya sa kasalukuyan. Hindi namin maintindihan kung bakit hindi sila gumagawa ng mga pelikulang gustong panoorin ng mga Pinoy, iyong commercially viable naman para mabuhay ang industriya at lahat ay magkaroon ng trabaho, hindi iyong sila-sila lamang.

Anyway, siguro naman sa loob ng ilang buwan pa, mapapalitan na rin ang lahat ng mga iyan na siya rin naming dalangin.

Iyong mga sinehan, nakakakita ng pag-asa na kumita naman sila sa pagpasok ng Enero dahil ipapalabas na nga ang Spider-Man, at kasabay niyan ay sinasabi ngang bubuksan na nila ang ma newly renovated at mas pinagandang mga sinehan. Mas maganda ang sound, ang mga upuan, at ang sinehan sa kabuuan.

May mga lider din naman ng industriya ng pelikula ang nagbabalak na ngang gumawa ng mga pelikulang “maaaring pang-sine,” at hayaan na lang ang mga nagtitipid na gumawa ng internet movies.

Kung ayaw nilang mamuhunan para makagawa ng mga pelikulang mahuhusay eh di sa internet na lang sila, at pabayaan nila ang mga mamumuhunan nang tama at makagagawa ng mga pelikulang may potential sa box office.

Mas gusto ng maraming ‘Sunshine’ sa 2022

Nagbakasyon kami, actually iyon ay isang spiritual vacation sa Abra. Walang signal ang aming cellphone, wala ring Wi-Fi. Iyan kasing Abra ay isang valley na napapaligiran ng malalaking bundok sa Cordillera.

Sa maniwala kayo’t sa hindi, isang message lamang ang nakalusot, iyong pagbati sa amin ng magandang aktres na si Sunshine Cruz ng happy new year.

Ang naging biruan nga, mukhang may discrimination, dahil basta maganda nakakalusot ang message kahit na sa mga bundok.

Nasagot namin ang message ni Sunshine noong kami ay nasa St. James the Elder Cathedral, sa mismong Bangued dahil may signal na doon. At nang tanungin namin siya kung ano ang plano niya sa 2022, isang simpleng “to have more sunshine in my life.” Na sinagot naman naming sana kami rin at lahat ng iba pa magkaroon ng mas maraming sunshine sa aming buhay.

Pero si Sunshine Cruz, talagang nag-iisa iyan.

Film produ, luging-lugi

Pagbalik namin sa Maynila, ang daming tawag na pumasok sa aming cellphone, in fact nasa TPLEX pa kami, nang pumasok na ang reminder ng aming editor na si Salve na nagpapaalalang mas maaga ang deadline namin kahapon.

Pasok din ang tawag ng isang Marites, lugmok daw sa lungkot ang isang produ, dahil sa bukod na umaasa siyang kikita dahil nakapasok sa MMFF ang kanilang pelikula, umaasa siyang mananalo ng award. Sa halip na-award ang pelikula niya na bagsak sa takilya, at walang nakuhang award kahit na tansan. Pero siyempre ang mga produ ay laging may nakahandang alibi, na medyo inapi sila kaya ganoon.

Pero teka, iyan bang produ na iyan ay mayroon nang nagawang pelikulang kumita kahit na isa? Ang tsismis nga ang pagpo-produce niyan ay bahagi lamang ng “money laundering” ng kanilang pamilya eh.

Ano ang say mo, Melchor Bautista?

vuukle comment

FELIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with