^

PSN Showbiz

DongYan ihahatid ang kuwento ng mga superhero ng 2021

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
DongYan ihahatid ang kuwento ng mga superhero ng 2021
Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ibabandera ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang year-end special ng GMA News and Public Affairs ngayong taon na pinamagatang Year of the Superhero na maglalahad ng mga nakaka-inspire na kwento sa likod ng ilan sa mga pinakakabayanihang sandali ng 2021.

Ano nga ba ang kailangan upang maging isang superhero? Ito ang tanong na inaasahan nina Dingdong at Marian na mahanap ang kasagutan sa pagbubukas ng bagong taon.

Hindi na baguhan ang DongYan sa mga kuwento ng superhuman na pareho na ring gumanap ng mga iconic character sa mga primetime show ng GMA. Ngunit sa pagkakataong ito, nagtatanong sila : paano naman ang mga bayaning hindi natin napapanood sa mga pelikula, o nababasa sa mga libro?

Nakipagtulungan ang Primetime King and Queen sa ilan sa pinakamagaling sa industriya – international artist na si Leeroy New, award-winning na may-akda ng librong pambata na si Augie Rivera, at kay Direk Rico Gutierrez — sa isang oras na pagpaparangal sa ating mga modernong bayani.

Dadalhin din tayo ni Marian sa higanteng 3D art installation ng kontemporaryong Filipino artist na si Leeroy New. Ang kanyang inspirasyon ay hinango sa mga kwento ng mga ordinaryong mamamayan na nagpasigla sa ating mga spirit sa gitna ng kahirapan sa taong 2021.

Inilalarawan ng gawa ni Leeroy ang mga nakaka-inspire na kwento ng mga Olympian na nagtaas ng ating bandila sa Tokyo, ang mga nars na nagligtas ng 35 sanggol mula sa nasusunog na ospital, at ang mga kabataan sa likod ng community pantry initiative na naging headline ngayong taon.

Ang espesyal na pagbabalik tanaw sa pagliligtas sa mga nakaligtas sa C-130 Hercules aircraft crash sa Sulu, ang isang pulis na tumulong sa isang babaeng nanganak sa kalye sa Capiz, at ang viral na kuwento ng batang babae na nagligtas sa kanyang alagang aso mula sa pagkakabangga ng paparating na tren.

 Mapapanood ang Year of the Superhero sa Enero 1, 2022, 7:45 p.m., sa GMA.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with