^

PSN Showbiz

John, nangangarap maging kontrabida sa Batman o X-Men!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
John, nangangarap maging kontrabida sa Batman o X-Men!
John
STAR/ File

Isang malaking karangalan para kay John Arcilla ang makatanggap ng Volpi Cup para sa pagkapanalo bilang Best Actor sa ginanap na 78th Venice Film Festival noong Setyembre.

Pinarangalan si John dahil sa kanyang mahusay na pagganap para sa pelikulang On The Job: The Missing 8. “I think nagdagdag ‘yon ng confidence for all of us Filipinos. We are now being seen by the whole world. Ngayon lang tayo nakikita kasi nag-o-open up na at naghahanap na ng mga bagong content ang mga festivals. But we’ve been there for so long. It is just the validation that we were actually growing together with all the filmmakers and the pioneers of the film industry global-wise,” paliwanag ni John.

Si John ang kauna-unahang Pinoy na aktor na nagkamit ng Volpi Cup. Nangangarap si John na makikilala rin bilang isang magaling na aktor hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo. “I want to see myself as one of the global actors. We’ve seen already on an international screen and we got the citation. Inilinya nila tayo sa mga popular and great actors across the globe like sina Brad Pitt. So parang I want to see myself to really explore and see myself as a global actor. Ang dami na rin kasing American Filipino na somehow nagkakaroon na ng posisyon sa global cinema, pero ako I wanna sell myself as a Filipino in somebody’s society. Like a Filipino in America, A filipino in Chine, a Filipino in Russia and playing major role or significant role in their society, in their films. ‘Yon ang gusto kong i-explore ngayon,” paglalahad ng aktor.

Nangangarap si John na mapabilang sa isang international film project na posibleng makapagpasikat sa kanya sa buong mundo. “Ang gusto ko talagang i-explore, I wish I can join a film project with those iconic heroes on DC or mga gano’ng klase. If I can also play one of those villains sa Batman and the first Filipino villain, parang ‘yon ang dream ko ngayon. If not siguro one of the freak people in X-Men. Parang ang sarap lang niya i-explore. Mas gano’n pa ‘yung nai-imagine ko na gusto kong gawin,” pagtatapos ni John.

Andrew, abot hanggang buwan ang pasensya

Mahigit tatlong dekada nang aktibo si Andrew E. sa show business. Mula noon ay wala pa raw kinasangkutang kontrobersiya o nakaaway ang rapper-actor sa mga kasamahan sa trabaho. “In the three decades of being a movie actor or being a rapper, napatunayan ko na po sa aking sarili na ang aking pasensya ay hanggang buwan. Kahit sino man, hindi ninyo kayang ubusin ang pasensiya ko po. Kunwari may mabalitaan kayong naging pasaway ako sa movies, sa concerts wala pong mababalitaang gano’n. Kaya for me po, at least nasabi ko sa sarili ko na my patience is very, very wild and long,” makahulugang pahayag ni Andrew.

Kasalukuyang nasa Los Angeles sa Amerika ang rapper kasama ng kanyang pamilya upang doon magdiwang ng Kapaskuhan. “Me and my family, para na rin sa vacation time ng aking mga anak. And at the same time ay ‘yung tour ko naman for next year. ‘Yon ang isa sa mga dahilan din. And then pagbalik, probably do another movie courtesy of Viva Films. ‘Yon lang po ang aking plans this season,” pagbabahagi niya.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with