^

PSN Showbiz

Marian gustong pumunta sa India, sobra ang naging closeness sa Bollywood actress at ex-Miss Universe!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian gustong pumunta sa India, sobra ang naging closeness sa Bollywood actress at ex-Miss Universe!
Marian
STAR/ File

Kahit sobrang napagod sa kanilang biyahe sa Israel, wala sa hitsura ni GMA Primetime queen Marian Rivera nang humarap siya sa entertainment media kahapon. Fresh pa rin at mas glowing pa.

At ang dami niyang kuwento, na lahat masaya.

Like mismong si Urvashi Rautela, Bollywood actress and former Miss Universe, pa pala ang nag-approach sa kanya na “can you teach how to do your famous dance steps?”

Sagot ni Marian “what dance steps are you talking about?’

“The Sabay-sabay,” sagot daw ni Urvashi na co-judge niya sa natapos na Miss U sa Eilat, Israel.

Yup, ‘yun ang backstory sa viral video nilang nagsasayaw ng Sabay Sabay Tayo habang break sa kanilang pagja-judge sa Miss Universe.

In all fairness, obvious na alam na alam na ni Urvashi ang nasabing dance steps at makikita naman sa video na hindi na niya tinitingnan si Marian habang sumasayaw ng Sabay-Sabay. Na kahit si Marian ay nagulat na parang alam ng kanyang new found friend ang nasabing steps.

At pati nga si Dingdong Dantes naging fami­liar na kay Urvashi dahil nga on her beck and call ang asawa sa lahat ng mga kailangan niya.

Sa sobrang closeness nila as in instantly ay nag-click sila, gustong makarating ng Pilipinas ni Urvashi. At ang promise ni Marian, matapos lang ang mga pinagdaraanan nating pandemic at mas madali nang mag-travel, gusto rin nilang makara­ting ng India dahil gusto rin ni Dong (Dingdong) na magpunta sa India, sabi ni Marian.

Hindi in-expect ni Marian na magiging ganun kasaya ang participation niya sa katatapos na Miss Universe, lalo na nga ay biglang nagsara ng border ang Israel nang magkaroon sila ng Omicron case.

Pero naging smooth ang lahat at nakapasyal pa sila sa Holy Land sa isang araw na free sila.

Ayon pa kay Marian, lahat nang mga experience niya sa Israel ay hindi niya makakalimutan. “Lahat hindi ko talaga makakalimutan. ‘Yung madalas na one-on-one ko with ko with Miss Paula (head ng Miss U). Lagi akong may one-on-one with her at sinasabi niya kung anong hinahanap namin na Miss Universe na dapat totoo sa sarili at ini-enjoy ang ginagawa niya.

“Basta lahat ng moment masaya ako, grateful ako. Inenjoy ko. Kasi wala nang second chance so lahat ini-enjoy ko,” aniya pa sa interview kahapon.

Napaka-down to earth daw lahat ng mga nakasama niyang judges kaya ngayon ay may communication silang lahat.

At kung pumasok ba sa isip niya during the coronation at andun siya as judge na sana pala na-experience ko ‘to? “Well, sumasali rin ako sa pageant, pero hindi yata ako qualified kasi maliit ako. May certain height requirement sila. Ahh parang oo na hindi ang sagot ko,” natatawa niyang Yanyan.

May kaba ba siyang naramdaman nang ma-confirm na tuloy sila sa Israel?

“Hindi kaba, more on paano ko iha-handle na iiwan ko ang mga anak ko at  kakayanin ko ba. Kasi si Ziggy since pinanganak siya talagang magkasama na kami. ‘Yun ang naglalaro sa isip ko talaga.”

Ito ‘yung pinakamatagal na hindi nakasama ang mga anak na sina Zia and Ziggy.

Anyway, may mga naka-line na project ang DongYan sa 2021.

vuukle comment

GMA

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with