^

PSN Showbiz

Heaven, kuntento muna sa piling ng mga aso

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Philstar.com
Heaven, kuntento muna sa piling ng mga aso
Heaven.

Naging makulay ang taong ito para kay Heaven Peralejo. Maraming pinagdaanang kontrobersiya ang aktres kaugnay sa kanyang buhay pag-ibig. Matatandaang nakarelasyon ni Heaven si Kiko Estrada ng ilang buwan lamang. Nakaranas ng pamba-bash online ang aktres dahil sa mga ispekulasyon na siya ang naging dahilan ng hiwalayan nina Kiko at Devon Seron. “’Yung 2021 ko full of learnings and full of love and of course, tears. Pero ngayon nasa ibang place na ako ng life na sobrang at peace. Parang kahit kami ng dog ko, masaya na ako na kami lang, gano’n,” bungad ni Heaven.

Ayon sa dalaga ay kumuha na siya ng sariling social media manager na siya nang namamahala sa social media accounts ni Heaven ngayon. “They handle the captions. They handle the editing for the vlogs. Siguro kasi kaya gusto ko rin lang magkaroon ng social media manager, kasi ayoko lang din na ‘yung buhay ko ay umiikot lang din sa social media. Gusto ko pa rin na nasa real time ako, hindi dapat laging nasa phone. Kasi as in ngayon hindi na ako ma-phone. Mas masaya, mas kalma. Kasi dati isiisip ko pa ‘yung mga sinasabi ng ibang tao, pero ngayon hindi na,” paliwanag ng aktres.

Kahit walang kasintahan ngayon ay masaya pa rin naman daw ang personal na buhay ni Heaven. Hindi pa umano handa ang aktres na muling pumasok sa isang relasyon at sa halip ay ang pagmamahal sa sarili muna ang pinaiiral. “Gusto ko munang i-take ‘yung time na ito para makilala ko pa ‘yung sarili ko, ‘yung mga gusto ko, ‘yung mga ayaw ko sa relationship or in life. Mahilig na pala ako ngayon sa mga bags. Kasi dati siguro mas inuna ko muna ‘yung mga kailangan. Pero dahil nakaipun-ipon na kaya ‘yon. Ang tagal ko rin naman pong naging kuripot kaya ngayon push na. Buong buhay ko inuuna ko muna ‘yung mga kailangan ko, like kotse muna or like itong condo muna. So ngayon nakaluwag-luwag na at alam ko na okay at safe na, nagawa ko na lahat. I think it’s time for myself naman,” paglalahad ng dalaga.

Jameson, kakaiba angkaranasan sa horror film

Masayang-masaya si Jameson Blake na makatambal ni Kim Chiu para sa Hotel episode ng pelikulang Huwag Kang Lalabas. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan. “I’m just happy na I’m part of this film that’s going to be part of the festival. She will be away for work. When she comes back as an OFW, I’m just there to support her while she was being quarantined. I’m just always by her side and protect her no matter what happens,” pagbabahagi ni Jameson.

Kakaibang karanasan para sa binata ang paggawa ng isang horror film. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan din ni Jameson na makapagsuot ng contact lens para sa isang pelikula. “Iba talaga siya doing scenes na you have to be scared. I enjoyed it naman. I enjoy doing different genres naman. I just like seeing how the movie is made especially ‘yung mga ghost when they put prosthetics. It was also my first time wearing contact lens, sa movie na ito. That was a challenge for me,” kwento ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with