^

PSN Showbiz

Anak ni Cherry Pie, aprubado na ang pagpapakasal nila ni Edu!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Cherry Pie, aprubado na ang pagpapakasal nila ni Edu!
Cherry Pie at Edu.

Masaya ang anak ng actress na si Cherry Pie Picache na si Nio Tria sa relasyon ng ina kay Edu Manzano.

Kahapon sa media conference ng Saying Goodbye ng iQiYi, sinabi nitong deserve ng kanyang mommy ang maging maligaya. “Masaya naman po lahat. Nung lumabas na sa balita that they were dating, hindi na ako nagulat kasi I knew na. I’m really happy na supportive lahat. My mom deserves to be happy.”

Dagdag pa niya : “Hindi na ako nagulat kasi alam ko na before na pinupuntahan ni Tito Edu ‘yung mom ko. Na-meet ko na siya. Nung nalaman ko online, sabi ko, ‘Okay that’s good na alam na ng lahat ng tao.’ I am really happy na supportive ang mga tao. Nagulat kami na naging trending. I am really happy for my mom,” dagdag niya pa kahapon.

If ever din na pakasal ang mom niya at si Edu, wala ring magiging problema sa kanya. “I think it’s their decision naman. I support my mom and I respect her decisions. If ever in the future, they would want to get married, I would accept it because I trust my mom’s decision naman,” aniya pa.

So kasalan na kaya ito?

Ang Saying Goodbye ay pinagbibidahan nina Andrea Brillantes and Seth Fedelin na handa nang tumanggap ng mature roles sa 2022. “Siguro. Lalo na by next year, 20 na si Ali (Seth). Hindi naman po super duper mature pero tingin ko kaya naman namin. Basta wala pa munang kissing scene,” pahayag ni Andrea.

Ang kuwento, bubuuin na nina Elise (Andrea) at Ricky (Seth) ang bucket list ng mga bagay na gusto nilang magawa nang magkasama habang hinaharap ang dahan-dahang pagkamatay ni Ricky sa original Filipino series ng iQiYi.

Nahihirapan pa rin si Elise na tanggapin na bilang na lang ang mga araw ng best friend niya matapos nitong ipagtapat na patuloy na humihina ang puso niya dahil sa dinadalang heart condition.

Desidido naman si Ricky na sulitin ang bawat araw na nabubuhay siya at gawin ang lahat ng gusto niya bago siya mawala sa mundo, habang mapapagtanto ni Elise na hindi pwedeng habangbuhay siyang matakot sa kamatayan. Palagi kasing iniiwasan ni Elise ang usapan tungkol dito dahil na rin sa trauma niya mula sa pagkamatay ng sarili niyang ama.

Ngunit magdedesisyon din si Elise na tulungan si Ricky na matupad ang lahat ng pangarap nito sa bucket list, pero ang kapalit nito’y pangako ni Ricky na patuloy niyang lalabanan ang sakit niya hanggang sa dulo.

Isinulat at idinirek ni Dolly Dulu ang Saying Goodbye, kung saan napapanood din sina Sunshine Dizon, Dominic Ochoa, Valerie Concepcion, Polo Ravales at Bernard Palanca.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with