^

PSN Showbiz

Kim, nasa hitsurang walang malisya sa katawan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim, nasa hitsurang walang malisya sa katawan
Kim
STAR/ File

Nakakatawa talaga si Kim Chiu. Kaya kahit na ano ang lumalabas sa bibig niya alam mong walang malisya dahil kita mo sa mukha niya na wala siyang ibang ibig sabihin sa mga sinasabi niya.

Para siyang isang mali-mali na basta lang nagsalita pero walang masamang kahulugan. Saka para bang inosente naman siya sa sinasabi niya.

Very pleasant ang personalidad niya kaya magaan at lovable. Actually nga type na type ko na hindi siya mukhang plastic. I love her candidness, her easy smile, ‘yun laughter niya na hindi put on. Kaya she can get away sa mga spur of the moment niyang kagagahan kung minsan. Para bang ang gaan ng mundo para sa kanya.

Kim is a darling. Suwerte naman ni Xian Lim na kung totoo ngang BF ni Kim ay parang tumama ng jackpot dahil napaka-cool ng GF niya.

Lagi silang chill dahil laging good mood at beautiful ang days nila. Bongga ‘di ba, sarap sabihing Mrs. Kim Chiu Lim, parang Mano Po: The Legacy ang dating.

Zoren, nagpaka-koreano

Dahil siguro in ang Korean look kaya ganun ang bagong hairstyle ni Zoren Legazpi.

Doon sa trailer ng serye nila ni Carmina Villarroel sa GMA 7 parang nakaka-distract ang bagong hairstyle ni Zoren. Mas bagay sa kanya ang dati niyang gupit, pero dapat din namang may nababago minsan sa look ng mga artista. Dapat talaga na kung puwedeng experimental sila sa kanilang physical look para iba-iba ang da­ting nila sa projects na ginagawa nila. Lalo pa nga ang mga babae, dapat paiba-iba, hindi ‘yung isang style lang sa lahat ng pinapanood mo na ginawa nila.

Mahusay diyan si Maine Mendoza, nakita mo ang bago niyang hairdo na nakataas ang buhok niya, nag-iba ang looks niya. Ang ganda-ganda niya. Dapat talaga ‘yung makeup at pananamit nila na laging binabantayan ng followers nila, lagi rin may pagbabago. Bongga ‘di ba?

vuukle comment

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with