^

PSN Showbiz

Aktres sanay na, hindi na sineseryoso ang mga daing na mental stress at anxiety!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na bago ang kuwentong dumaan sa matinding pag-atake ng anxiety ang isang kilalang babaeng personalidad. Ayon sa aktres ay matinding health at mental stress ang nangyari sa kanya dahil sa pandemya.

Parang ayaw na raw niyang mabuhay dahil sa sobrang takot sa kinabukasan. Paano na raw ang kanyang mga anak? Paano raw niya bubuhayin ang mga ito sa kawalan niya ng pagkukunan?

Maraming kuwento ang female personality sa kanyang mga kaibigan, talagang ikinukuwento niya ang matinding anxiety na umatake sa kanya, mabuti na lang daw at nalampasan niya ‘yun.

Pero maraming hindi naniniwala sa mga kuwento ng babaeng pesonalidad, nakikinig lang ang kanyang pinagkukuwentuhan, pero hindi siya sineseryoso.

Kuwento ng aming source na hindi rin naniniwala sa mga press release ng female personality, “Sino pa naman ang maniniwala sa kanyang mga kuwento, e, dati na naman siyang tinatamaan ng health at mental stress? Bago pa ba ‘yun?

“Wala pang pandemya, e, ganu’n na siya! Hindi siya lumalabas sa kanyang kuwarto, ni hindi nga siya nakikita ng mga kasambahay niya nang ilang araw, di ba?

“Kahit ang mga anak niya, bihira niyang nakikita, kundi pa mangulit ang mga bagets na papasukin siya sa kuwarto, e, hindi sila magkikita-kita!” unang atake ng aming impormante.

Sapul ang female personality! Kabisado na siya ng kanyang pamilya mismo at malalapit na kaibigan. Anong health at mental stress ang sinasabi niya ngayong pandemya?

“Magtigil siya! Huwag kami! Huwag ang mga taong nakakakilala sa kanya! Puwede niyang paniwalain ang iba, ‘yung walang alam tungkol sa kanya, pero huwag kami!

“Siya ang kumakabog sa pandemya! Hindi siya matitinag ng pandemya! Matagal na niyang ginagawa ang maglukring-lukringan sa buhay, puwede ba?

“’Yun ang reason kung bakit hindi na nakatagal ang karelasyon niya, pati ang mga kasambahay nila, kasi nga, marami siyang kalokahan sa buhay!

“May nakikita raw siyang mga tao sa bahay nila, e, wala namang katao-tao du’n! May multo raw sa house niya, wala namang nakikita ang mga kasambahay niya!

“Waley! Kabog na kabog niya ang pandemya! Walang binatbat sa kanya ang lockdown, ang pandemya, ang lahat-lahat! Matagal na matagal na panahon na siyang inaatake ng mga kalokahan niya!

“Magtigil nga siya! Makasawsaw lang! Makapag-emote lang siya! Wala nang naniniwala sa kanya!” nanggigigil na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Relasyon ni John Lloyd Cruz sa apo ni Malang, kumpirmado na!

Kinumpirma ng aming regular na tagapanood sa Cristy Ferminute at Take It, Per Minute… Me Gano’n ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos.

Si Tita Nene Ulanday na parang kapamilya na namin ay pinsan ng misis ng namayapang magaling at sikat na pintor na si G. Mauro Malang Santos.

Si Isabel Santos ay anak ng mga kilalang pintor na sina Soler at Mona Santos, anak ni Mang Mauro si Soler, nagsisimula na rin sa kanyang karera bilang pintor si Isabel.

Matagal nang alam ni Tita Nene ang relasyong JLC at Isabel, pero kahit minsan ay wala itong binabanggit sa amin, hinintay muna ni Tita Nene na lumabas sa mga pahayagan ang balita bago nito kinumpirma ang relasyon.

Sabi pa ni Tita Nene, “Madalas si John Lloyd kina Soler. Nasa Amerika silang mag-asawa ngayon, dinalaw ang panganay nilang si Carina.”

Malaking impluwensiya kay Lloydie sa pagpahalaga sa sining si Isabel. Nangongoleksiyon na rin ng mga obra ngayon ang magaling na aktor at baka nga isang araw ay matuto na rin siyang magpinta dahil kay Isabel.

Magandang impluwensiya. At panahon na rin naman para muling lumigaya si John Lloyd. Hindi naman puwedeng huminto na lang ang kanyang mundo sa paghihiwalay nila ni Ellen Adarna na nagpakasal na kay Derek Ramsay.

Hindi dapat kinakalimutan ang magmahal. Kapag nakita na natin ang tamang taong makapagpatibok ng ating puso ay ‘yun na ang hudyat.

At nu’n nagkakilala sina Lloydie at Isabel Santos. Sa pagkakaalam namin ay madalas magpunta nu’n sa gusali ng gallery ng mga Santos sa West Avenue si Lloydie.

Akala nami’y bumibili lang siya ng mga likhang obra ng namayapang si Mang Mauro, pero ang apo na pala ng pintor ang kanyang binabalik-balikan, hanggang sa maging sila na nga.

Ang sining na biswal ay parang pag-aartista rin dahil parehong publiko ang tumatangkilik sa kanilang produkto.

Magandang kumbinasyon ang pagmamahalan nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos dahil ang pag-ibig ay isa ring sining.

vuukle comment

ANXIETY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with