^

PSN Showbiz

Scarlet, Tali at Zia, inaasahan ang tapatan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Scarlet, Tali at Zia, inaasahan ang tapatan!
Scarlet Kho.

Siguro, Salve, maaabutan ko pa naman ang paglaki nina Scarlet Kho, Talitha Sotto at Zia Dantes noh! Kasi excited ako to see kung sino sa tatlo ang papasok ng showbiz at magiging superstars. Kasi heto at mga bata pa sila pero kilalang-kilala na ng lahat dahil sa exposure sa social media at pagiging in demand sa pictorials, at kinukuha na ring mga endorser.

Pinaka-at home sa harap ng kamera si Talitha dahil sa Eat Bulaga.

Si Zia hayun endorser na, at si Scarlet marami na ring nagawang commercials.

Kaya nga exci­ting dahil kita mo na ngayon pa lang na meron nang puwang sa showbiz ang tatlo, exciting to see who will be the most talented and the most popular ‘di bah?

Inaabangan na sa Israel

Walang tatalo kay Marian Rivera. Imagine mo, judge sa Miss Universe. I­magine kahilera na siya nina Lea Salonga at Gloria Diaz.

Tiyak bongga ang glam team na dadalhin niya sa Israel kung sakali, dahil international exposure ito.

Marami ang mag-aabang sa kung ano ang ayos at isusuot ni Marian. Imagine dalawa nang anak ang meron si Marian pero hanggang ngayon nagawa niyang i-maintain ang katawan niya na mas gumanda pa nga ngayon.

Ang mukha ni Marian na mahirap pantayan ng mga kasabayan at nagwi-wish na agawan siya ng korona. Bongga talaga si Mrs. Dingdong Dantes, talagang winner all around, as a wife, as a mother, as an individual person. Carry niya lahat kahit pa nga domesticated siya at wala munang ginagawa dahil nakatuon sa pamilya ang kanyang energy at oras. Blessing for all the beautiful things na ginagawa niya mula pa noon.

Queen talaga ang Marian Rivera. Sure ako, now pa lang tatalbugan na niya ang marami sa candidates dahil sa ganda at presence niya. Hail the Queen, Marian Rivera Dantes, nanay nina Zia at Ziggy, ang wife ni Dingdong Dantes, at hanggang ngayon Primetime Queen ng GMA 7.

 

 

vuukle comment

TALITHA SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with