^

PSN Showbiz

Marian nasa alapaap pa... siyam na maleta ang bitbit papunta sa Miss Universe!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian nasa alapaap pa... siyam na maleta ang bitbit papunta sa Miss Universe!
Marian.

“Nasa alapaap ako ngayon,” pag-amin ng GMA Primetime Queen Marian Rivera matapos ngang magkaroon ng formal annoucement kahapon ang pagiging isa niya sa mga hurado sa Miss Universe 2021 na gaganapin Eliat, Israel.

Mismong ang Miss Universe Organization ang nag-reach out sa management team, Triple A, ni Marian na nang unang sabihin sa kanya ay hindi makapaniwala ang aktres na napisil siyang maging judge.

Nakalatag na ang mga gagawin niya sa Eliat pero ayaw niyang sabihin kung anu-ano ang mga ‘yun. “Dun sa mga specific na gagawin ko hindi ko alam kung pwedeng sabihin pero pagdating na pagdating namin dun hanggang sa mismong araw ng pageant, marami kaming gagawin. So maraming nakalaan na gagawin namin. Kaya hindi ko alam kung makakasingit pa ako kung ano magagawa pa pero yung the whole time na nandun ako, sa kanila lang ako,” pahayag ni Marian kahapon nang humarap sa entertainment media sa ipinatawag na interview ng GMA 7.

Itinuturing niya itong napakalaking karangalan lalo na nga at ang daming excited na as if siya ang kandidata ng bansa.

“Gagampanan ko sa Miss U na kung saan napakahalagang okasyon na magsasama-sama ang lahat (ng mga kandidata sa buong mundo) na alam mo yun para sa akin kasi isang malaking karangalan ito.

“At syempre bukod dun, aaminin ko na hindi naman talaga English ang first languange ko kundi Filipino at kinuha nila ako hindi lang siguro alam mo ‘yun hindi siguro dun dahil kinuha nila ako para sa aking body of word bilang isang Filipina. Basta ang masasabi ko lang kilala n’yo naman ako hindi naman ako mapagpanggap, hindi ba. So ie-express ko ang sarili ko nang naaayon sa nararamdaman ko sa araw na yan,” sagot niya nang tanungin kung anong magiging basehan niya sa magiging boto sa mananalong Miss U at kung anong reaction niyang may iilan pang nagko-comment ng mga negative samantalang dala naman niya ang buong bansa sa paglipad sa Israel.

Hindi niya rin naisip na tanggihan ang pagkakataong ito lalo na nga at sinasabing may kaso ng omicron variant sa Israel. “To be honest, syempre naisip ko minsan lang to dumating eh so bakit ‘di ko siya tatanggapin at para sa akin isang malaking karangalan ito. Ngayon kung tatanungin mo sa akin kung mahirap para sa akin na iwan ang mga anak ko, of course, mahirap pero naniniwala ako balang araw maiintindihan nila ang kahalagahan ng sakripisyong ito na gagawin ko,” paliwanag niya pa.

Ngayong pandemya ay hindi tumanggap ng trabaho ang reyna ng GMA 7 at kasama sa tinanggihan niya ang First Yaya.

Sa December 6 siya nakatakdang lumipad pa-Israel kasama ang kanyang team.

At nang tanungin si Marian kung ano ang posible niyang itanong sa mga kandidata, aniya “Siguro maiisip ko ‘yan kapag nasa eroplano na ako. Kapag nandun na ko at nakita ko sila. Sabi ko nga sige bahala na kung ano pero siguro ie-express ko yung sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na yun. Maganda siguro na organic na hindi masyadong “ay kailangan ganto yung itanong ko” siguro kung ano yung napi-feel ko bilang first time ko din pumunta sa Israel. So tingnan natin kung ano yung mapi-feel ko dun.”

At kasama sa nagpapa-excite sa pagpunta niya sa Miss Universe 2021, ang makilala ng personal si Wonder Woman.

“Gusto ko lang talaga, looking forward na ma-appreciate o masaksihan sila pero on my side gusto ko talagang makilala at alam mo yun makita si Gal Gadot , sana mabigyan ako ng chance,” sabi pa ng actress na kilala ring Darna.

At kung maraming Pinoy ang excited sa pagi­ging hurado niya, all out din ang suporta sa kanya ng mister na si Dingdong Dantes na ngayon na ang uwi mula sa lock-in taping. “Sobrang supportive ng asawa ko actually nung tinawagan ako nila Coach (Direk Mike Tuviera), si Dong agad ‘yung una kong tinawagan tapos sabi nung asawa ko “wow” ang sabi niya ‘nakakaproud naman.’”

Hindi rin daw siya nito pinigilan na umalis. “Sabi niya ‘you have to go there.’ So ganun agad yung sinabi niya sa akin. Nakakatuwa na ganun ‘yung suporta niya.”

Siyam na maleta ang malamang na dalhin niya dahil sa mga kailangang outfit. “Hanggang sa night ng pageant as in dire-diretso talaga ang schedule ko pagdating doon.”

Pero hindi naman daw lahat gowns ang dala niya. “May mga cocktail din, may gowns so iba-iba.”

Naniniwala rin siyang hindi lang basta kagandahan ang magiging basehan ng susunod sa kasalukuyang may hawak ng korona na si Andrea Meza ng Mexico. “At siguro hindi lang yung kagandahan nila kundi yung katapangan din nila na maibalik yung Humanity sa ating mundo sa kabila ng mga pinagdaanan nating alam mo ‘yun radical na pagbabago na ibinigay sa atin ng pandemya na ito. So dun ‘yun eh mas yun ang nilolook forward ko, ang makilala at makita silang lahat.”

Isa si Lea Salonga sa iilang Pinoy na umupo na bilang hurado sa Miss U.

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na nabalitang nawala ang isang bagahe pagdating ng Israel pero nakuha rin naman.

 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with