^

PSN Showbiz

Gerald, sa gensan magpa-Pasko

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, sa gensan magpa-Pasko
Gerald at Gigi.

Simula ngayong December 15 ay mapapanood na sa iQiyi ang Hello, Heart na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Gigi de Lana. Katatapos pa lamang daw kunan ang mga eksena para sa bagong serye ayon sa aktor. “Actually katatapos lang naming i-shoot ‘yung Hello, Heart. So medyo relax, relax muna. Kakalabas ko lang ng lock-in taping namin, ng bubble namin which is shinoot po namin ito ng one month. So now medyo relax lang,” pagbabahagi ni Gerald.

Nakatakdang umuwi ang binata sa kanilang bahay sa General Santos City upang makasama ang mga mahal sa buhay lalo na ang inang si Mommy Vangie ngayong Kapaskuhan. “Uuwi ako ng GenSan. Pupuntahan ko ‘yung nanay ko. Magki-Christmas kami ro’n. Kasi medyo matagal ko na siyang hindi nakita dahil sa pandemic. And I think ito ‘yung perfect time para makauwi kasi maluwag na,” paglalahad ng aktor.

Dinepensa ang relasyon kay Kimpoy Heaven : ‘Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin!’

Madalas na nagpo-post sa kanya-kanyang Instagram account sina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano ng mga larawan na magkasama ang dalawa sa iba’t ibang lugar. Dahil dito ay nagkaroon ng mga espekulasyon ang netizens na posibleng magkasintahan na diumano ang dalawa.

Nilinaw naman ng aktres na talagang walang espesyal na namamagitan sa kanila ng binata. “Hindi talaga, di ba kapag kunyari ‘yung friend mo, ‘Uy! Beh,’ Gano’n, pero kami ni Kimpoy, we are very best friends,” paglilinaw ni Heaven.

Si Kiko Estrada ang huling naging kasintahan ng dalaga. Ilang buwang lamang tumagal ang relasyon ng dalawa at tuluyang nagkahiwalay kamakailan. Matatandaang naging kontrobersyal din ang hiwalayan noon ni Heaven at ng panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel. “Single ako pero not ready to mingle. ‘Yung kay Kimpoy guys, masaya lang din na nagkaroon talaga ako ng kaibigan sa showbiz. Thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin ng kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work. So ‘yung sa amin talaga ni Kimpoy, ‘yung pagmamahalan namin hanggang best friends lang, okay? Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki,” mensahe ng aktres sa netizens.

Mayroong ilan ang nagsasabing sunud-sunod ang naging relasyon ni Heavean at mabilis ding magpalit ng nobyo ang aktres. Pinabulaanan naman ng dalaga ang tungkol dito. “Guys, alam n’yo, magpahinga rin kayo. Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle. Huwag tayo mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue. Christmas na oh, dapat happy, happy,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

 

 

 

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with