^

PSN Showbiz

Janno at Kitkat nabuhay ang away, nagtalakan sa GC ng mga komedyante

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Janno at Kitkat nabuhay ang away, nagtalakan sa GC ng mga komedyante
Janno.

Parang ang cheap lang na nabuhay na naman ang away nina Janno Gibbs at Kitkat dahil lang sa ibang isyung napag-usapan sa isang group chat ng mga komedyante na tinatawag nilang COVIDyante.

Ang dami nila sa grupong iyun at isa nga rito si Gene Padilla na naglabas ng hinaing niya sa isang di naman sikat na komedyante na nagpapatulong sa kanya ng raket, pero ang ending ay minasama pa siya, pinagmumura at kung anu-anong mga sinasabi laban sa kanya.

Hindi niya binanggit sa chat na iyun kung sino ang nameless na komedyante, basta nag-emote lang siya sa GC nila.

Nag-comment doon si Kitkat ng hayaan na lang daw at ipag-pray na lang. Nakisimpatiya lang naman daw siya kay Gene.

May sinabi pa roon si Kitkat na; “May iba nga bigla na lang nagmumura sa kapwa ng PI eh…iisipin na lang natin meron silang pinagdaanan. Kawawa rin. Kasi yun nga kahit sino walang karapatan! May mga matatanda talagang walang pinagkatandaan.”

May ibang nag-react na sinasabing ang lakas ng tama ng kung sino mang komedyanteng iyun.

Biglang pumasok sa chat nila si Janno Gibbs na deretsahan niyang sinabing “Pero mas may topak pa rin si Kitkat jan!!”

Doon na sila nagkasagutan uli ni Kitkat na sinabi ng comedienne ng “Sino ang nagmumura ng PI mo at pumapatol sa babae?  Talaga lang? Alam ng lahat ang topak mo! Wag ako! @Janno isa kang BASTOS na matanda!”

Humaba na ang palitan nila ng maaanghang na salita at parang nag-survey pa roon si Janno sa ibang kagrupo nila kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo.

Sa interview ni Ogie Diaz kay Kitkat, sinabi ng komedyana na hindi na niya pinagsasagot ang iba pang sinasabi ni Janno laban sa kanya, dahil humahaba na raw ang usapan, at nag-aalisan na ang iba sa GC na iyun.

“Gusto ko mang sagutin kaya lang kawawa naman ang iba. Ayoko nang madamay. Ang dami na nga pong nag-‘left’ eh. Nag-leave na si Paolo Contis, si Mitoy Yonting. Si Kuya Jeffrey Tam, niyaya na rin akong mag-leave. Sabi ko, sige tingnan ko lang. Gusto ko pa makita kung ano pa ang talak niya eh,” pahayag ni Kitkat sa interview sa kanya ni Ogie sa kanyang You Tube Channel.

 Tinanong ko nga si Paolo tungkol sa pag-leave niya sa grupong iyun pagkatapos magtalakan nina Janno at Kitkat. “Ang toxic na,” sagot sa akin ni Paolo.

Sa rami nga namang kanegahang nangyayari, umiwas na lang si Paolo sa dagdag pang kanegahan.

Matagal nang natsugi ang programa nilang Happy Time, hindi pa rin sila nakapag-move on at inulit na naman ang  away nila.

Kate, nahihiyang umastang beauty queen

Ang dami na rin palang nagkukumbinse sa Kapuso young actress na si Kate Valdez na sumali sa beauty competitions. Pero hindi raw niya maisip na umaarte siyang beauty queen.    

Nabanggit niya ito sa nakaraang mediacon sa kanya ng GMA 7 na kung saan ay pumirma siya ng renewal bilang Kapuso exclusive artist.

“Recently lang po na-meet ko si Ate MJ Lastimosa nung may taping po kami sa AOS. Sobrang kinukulit niya ako na ‘ano mag-try kang mag-pageant.’ Sabi ko, last ko po na sumali ako sa beauty pageant sa school namin. Eh Elementary pa ako nun. Sabi niya, ‘ako rin naman napilitan lang ako nun,’ pero tingnan mo naman ngayon. “Sabi ko, ayoko po eh,” natatawa niyang kuwento.

“Iba po kasi eh. Iyung gestures nila kung paano sila umarte. ‘Yung dun ka lang sa stage, parang di ko kaya na talagang umasta as beauty queen,” dagdag niyang pahayag na parang nahihiya pa.

Six years na si Kate bilang Kapuso at nalilinya siya sa ma kontrabida roles, na okay lang daw sa kanya dahil hindi naman daw siya mukhang inaapi.  

Kasama siya ngayon sa Stories from the Heart na kuwento nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with