Derek and Ellen, todo-okrayan
Okrayan ang mag-asawang Derek Ramsay and Ellen Adarna sa social media posting nila.
Hahaha. As in ‘yung unguarded moments nila ang kinukunan nila tapos pino-post sa social media at naggagantihan.
Naunang nag-post si Derek ng video na natutulog ang misis at alam niyang ayaw nitong gawin kaya ang caption niya “Don’t kill me!!” na-expose kasi ang pores.
The following day si Ellen naman ang nag-post na super tutok sa mukha ni Derek kaya nakikipag-agawan siya sa phone. Caption naman ni Ellen “My idiot is bitchy today! Your Pores are poor! #PoreUnfortunateSoul wai sukod ang baws.”
Ganyan sila ka-happy sa kanilang pagiging mag-asawa.
- Latest