^

PSN Showbiz

Joey, ginagamit ng mga troll!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Joey, ginagamit ng mga troll!
Joey.

Iba-iba talagang raket ang lumalabas sa panahong ito ng eleksiyon. At malayang nagagawa iyan ng trolls sa social media, maliban na nga lang kung umangal ang ginawan nila ng kalokohan. At hindi basta angal, kailangan mai-report mo sa nagpapalakad ng platform para maalis iyan.

Ang huling raket ginagamit nila ang pangalan at litrato ng mga artista para maiendorso ang kanilang kandidato kahit na iyon ay walang pahintulot.

Tuwirang umangal si  Joey de Leon nang gamitin ang kanyang pangalan at picture para iendorso ang isang kandidato na sinasabi nga niyang imposible niyang gawin dahil alam naman ng lahat at tuwirang iniendorso ay ang kasamahan sa trabaho at kumpare niya. Papaano nga namang mangyayari na mag-eendorso siya ng ibang partido.

Pero kahit na umangal, lumalabas pa rin ang fake endorsement sa iba’t ibang social media platforms. May narinig kaming marami pa raw ganyang gagawin ang mga troll, kung saan sila gagamit ng picture at pangalan ng mga artista para mag-endorso ng kandidato nila kahit na hindi totoo. Pero sino nga ba ang mairereklamo mo eh hindi naman gumagamit ng tunay na pangalan ang trolls at sila ay may multiple accounts.

Ang isang troll ay maaaring magkaroon ng 50 o higit pang dami ng social media account, at walang gagawin ang fake accounts na iyon kundi mag-share ng kanilang fake news, at fake endorsements. May engkargado naman ang trolls na siyang kausap ng mga pulitiko na nagbabayad sa kanila, depende sa endorsements pabor, o fake news laban sa kalabang kandidato na mailalabas nila.

Walang magagawa ang mga artista kundi mag-deny na lamang, gamit din ang kanilang social media accounts, pero nagamit na sila. Mayroon pa diumanong mga kaso na hina-hack ang official account ng artista para doon ilabas ang endorsements na gawa ng trolls, at magmukhang totoo.

O kaya naman ang mga artista, or admin ng mga fan account, binabayaran nila para ‘yun ang magamit sa pagpapakalat ng fake news.

Hindi kagaya noong araw na ang artista ay kailangang lumabas sa isang stage at mag-endorso nang personal. Ngayon kasi dahil sa COVID, ibinabawal ang mass gatherings at sinasamantala  iyan ng trolls at mga amo nilang pulitiko para gamitin ang popularidad ng stars para maiendorso ang kanilang kandidatura.

Maliban doon sa bulgar kung ano talagang “kulay sa pulitika” ang kinikilingan, ang iba ay nagagamit na nila.

Kaya huwag kayong maniniwala sa endorsements, maliban kung live video ang ipalalabas nila sa social media.

Voltes V, iibahin na ang cast?!

Inamin ng director na si Mark Reyes na may madadagdag, at magkakaroon ng pagbabago sa kanilang ginagawang local version ng Voltes V.

Ano na nga ba ang nangyari riyan, wala pang COVID narinig na namin ang Voltes V na iyan, aba eh milyon na ang namatay sa COVID (sa buong mundo), milyon na rin ang nabakunahan, ang dami na ring katiwaliang lumbas sa COVID, ang Voltes V mukhang hindi pa nasisimulan. Eh magpapalit pa raw ng cast eh.

Iyong mga batang naghihintay ng Voltes V, mga teenager na ngayon. Iyong mga teenager na umaasa noon na mapapanood iyan, aba eh may asawa’t anak na ngayon. Ano nga ba ang tunay na estado niyang Voltes V?

Sunud-sunod na noon ang publisidad nila, naglabas na sila ng trailer ng serye. Beta variant pa lang ng COVID ang mayroon noon. Ngayon may omicron na, wala pa rin ang Voltes V.

Bilis-bilisan naman ninyo ang Voltes V, matagal na naming hinihintay iyan. Kailan ba talaga matatapos at ipalalabas? Tiyak naman ang rating niyan, lalo na nga’t walang franchise ang ABS-CBN.

Showbiz gay, nalimas ang kabuhayan sa aktor na kinabaliwan

Aminado na ngayon ang isang showbiz gay, muntik na palang malunos na lahat ang kanyang kabuhayan dahil sa pagkabaliw niya noon sa isang sexy male star. Natauhan na lang daw siya matapos ang mahigit na tatlong taong lihim nilang relasyon na wala na pala siyang kabuhayan.

Kung noon ay bonggang-bongga ang kanyang buhay, ngayon ay simple na lang. Wala na siyang datung eh. Iyon namang sexy male star na kinabaliwan niya noon, gumanda ang buhay dahil nakisama sa isang babaeng kahit na may asawa’t anak na sa iba, madatung naman at naibibigay ang lahat ng luho niya sa buhay.

Ang latest nga, nagpapatayo na raw iyon ng isang restaurant dahil sa madatung niyang waswit kahit na “second hand”

Ganyan lang siguro talaga ang buhay. Hindi naman nagsisisi ang bading dahil sabi nga niya “it was good until it lasts.”

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with