^

PSN Showbiz

Albert at Faith, kitang-kita ang spark

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Napanood ko ang Las Hermanas ng GMA 7. Maganda pala ang batang-bata na si Faith da Silva na nali-link kay Albert Martinez.

Sabagay, sa edad ni Albert matikas pa rin at good-looking kaya hindi rin kataka-taka na magkaroon ng spark ang pagsasama nila ni Faith.

At suwerte rin niya kay Albert pag nagkataon dahil isa ito sa pinakama­yamang artista natin sa showbiz.

Magiging kampante at maayos ang buhay niya sa piling ni Albert kung sakali at matuloy sa pagsasama ang kanilang relasyon.

Maganda rin ang role ni Yasmien Kurdi dito, at napakagaling ng kanyang performance. Napansin ko lang na habang tumatagal lalo pang humuhusay sa acting si Yasmien at lalo siyang gumaganda ngayon, patunay na talagang maganda ang samahan nila ng asawang si Rey na isang pilot.

At kahit nga umpisa pa lang maiintriga na ang Las Hermanas, bongga pa rin rating nito.

Kaya happy silang lahat.

Malay n’yo, magkaroon ng wedding bells, ‘di ba, bongga ha!!

Papa Miguel, masarap maging boss

Parang ang sarap naman na ang Big Boss natin sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa na si Papa Miguel Belmonte ay birthday na naman ngayon at kabilang pa rin tayo sa kanyang mga inaalagaan.

Dahil siyempre namana nilang magkakapatid sa mother nilang si Betty Go Belmonte ang pagmamahal sa writers dahil isang journalist at respetadong member ng working press ang kanilang ina.

At tulad ng famous mother nila, namana ni Papa Miguel ang pagiging kind and sweet Big Boss sa lahat ng taga-PhilStar kung saan under the umbrella ang PM at PSN.

Very proud ako na sabihing Yaya Lolita ako ng Belmonte kids dahil noong sa Daily Star ‘pag busy si Ms. Betty sa pagsusulat, ako ang nakabantay sa kanila habang naglalaro sila sa office kung saan ang publisher namin ang kanilang Tito Andrew Go.

Editor namin noon ang legendary na si Johnny Perez at police reporter si Ruther Batuigas. Ako ang very lazy desklady, na all around at laging napapagalitan dahil hindi mo alam kung saan bang department naka-assign, hah hah.

Dapat nasa desk, pero sama nang sama sa lakad ni Douglas Quijano na taga-showbiz section. At assigned yaya ‘pag nandun ang Belmonte kids. Hah hah, kaya naman feeling proud ako na inabot ko pa ang Papa Miguel Belmonte ko na Big Boss na ngayon, bongga ‘di ba!

Imagine mo, wala na sina Douglas, Ricky Lo, Franklin Cabaluna at Ruther Batuigas, alive pa kami ni Papa Miguel? So blessed. For that, promise Papa Miguel, fan mo na ako forever, hindi na kita puwedeng palitan sa buhay ko, talagang nandiyan ka na, at hindi mo na rin ako puwedeng burahin, dahil nauna ako kay Mama Millet, hah hah hah. Love you and forever grateful for your kindness and generosity. Forever Belmonte, and forever STAR.

(Happiest birthday, Sir Miguel. Many happy returns. – Salve A.)

vuukle comment

GMA 7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with