^

PSN Showbiz

Kim, ginawang biro ang pagbaklas sa litrato ni Bea sa hallway­ ng Kapamilya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kim, ginawang biro ang pagbaklas sa litrato ni Bea sa hallway­ ng Kapamilya
Kim.

Hindi ko alam kung ano ang gaga­wing aksyon ng management ni Bea Alonzo sa mga ‘di magagandang komento at reaksyon sa mga isyung kinasangkutan niya lately. May ilang fans ang nag-react sa kanyang sexy pictorial bilang bagong calendar girl ng Tanduay.

May mga nagsasabing hindi na niya kailangang magpa-sexy dahil Bea Alonzo na siya at wala na siyang kailangang patunayan pa.

Pero wala naman tayong alam kung anong career plan para sa Kapuso actress, kaya tingnan na lang natin.

Hindi rin maganda ang dating ng isyung tinanggihan daw niyang maka-partner si Rayver Cruz sa isang mini-series na gagawin dapat niya sa GMA 7.

Tatlong Kapuso actors lang daw ang gusto niyang maka-partner, sina Dingdong Dantes, John Lloyd Cruz o ‘di kaya si Alden Richards.

Sa totoo lang, mas agree kami kung ‘di ganun kala­king artista ang makakasama ng aktres, at mas mag-focus sa kanya ang kuwento.

Ang latest naman ngayon ay ang ipinost ni Kim Chiu sa kanyang Instagram account na tinatanggal ang litrato ni Bea sa hallway ng ABS-CBN 2.

Kaagad na-grab ‘yun ng ibang vlogger sa IG story niya na kinakantiyawan niya si Amy Perez na ang picture raw niya ang ipapalit sa lighted na litratong nakikitang sa ABS-CBN 2.

Sinagot naman siya ni Amy na ang picture nga raw niya ang tinanggal. Sabi pa ni Kim, ililipat lang daw ang litrato sa mas malaki, at binati niya si Cory Vidanes ng “Hello Tita Cory.”

Naging biruan lang ‘yun pero iba na ang dating dahil litrato iyon ni Bea Alonzo, at mas namalisyahan dahil tinanggal agad ni Kim ang post na iyon.

Pero iba-iba na ang reaksyon ng netizens dahil nag-tweet pa itong si Kim ng; “Eto namang si @FashionPulis ginawan pako ng issue. Ikaw talaga. Kurutin kita sa singit eh! Mag 2022 na powz. Peace and calm nalang tayey. Pag keri. Love love love! Sabi nga ni Ate Kris (heart emoji).”

Karamihan namang reaksyon ng netizens ay wala naman daw masama kung tinanggal ang litrato roon ni Bea dahil hindi na nga naman siya Kapamilya, at Kapuso na ito. Kaya natural lang na tanggalin na ito sa hallway ng Kapamilya channel.

Napapag-usapan lang dahil tinanggal pa ito ni Kim sa kanyang IG account at nag-tweet pa siya.

Sana pinanindigan na lang niya ang biruan nilang dalawa ni Amy Perez.

Andrea, may payo sa mga adik sa social media

Ang agang napasaya ni Rei Anicoche-Tan ng Beautederm ang ilang miyembro ng movie press kama­kalawa lang para i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Sobrang tuwa niya dahil after almost two years ay natuloy na rin ang face to face na event ng Beautederm, na kung saan sinelebrayt na rin ang 12th anniversary ng naturang kumpanya at ang kanyang kaarawan kahapon.

Kasabay na rin nito ay inilunsad niya ang bagong produkto nila na mas tamang-tama naman dahil kailangang-kailangan natin ito ngayon.

Ito ‘yung Reiko at Kenzen Beautederm Health Boosters.

Iba’t-ibang health supplements ito na ini-endorse ni Andrea Brillantes para sa Gen Z, at si Maja Salvador naman para sa adults na.

Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-notified at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Bacopa Monniera + Memory Booster MeMax; Kenzen BioDopa + Energy Booster VivaGen; Kenzen Vitamin C + Immunity Booster Z Plus; Reiko Valeriana Officinalis + Sleep Enhancer SomNes; Reiko Vitamin D + Sun Protection Enhancer PrestoSol; Reiko Coffee Bean + Diet Enhancer Slimaxine at Reiko Andrographis + Digestion Enchancer Fitox.

Si Andrea ang pinili ni Ms. Rei na mag-endorse sa mga kabataan dahil ang lakas nito sa social media at talagang siya ang sinusubaybayan ng karamihan sa mga kabataan. “Nakikita ko ‘yung mga efforts niya para i-promote ang mga produkto. Makatotohanan. Like ‘yung iba kasi parang pinost lang ganun. Si Blythe talaga pinu-post niya na ginagamit niya, at love ko ‘yung produkto niya at dun ko na-appreciate ‘yung batang iyon,” pakli ni Ms. Rei.

Ang laki naman talaga ng epekto ng social media lalo na sa mga kabataan, pero sinasabi na rin ni Andrea na dapat ay mag-social media detox at huwag iasa na lang lahat sa socmed. “Social media detox can be of help,” sabi naman ni Andrea. Kasi minsan hindi natin alam kung gaano tayo maapektuhan ng social media ngayon kasi wala naman tayong magagawa kundi sa kuwarto lang tayo.

“Ano ang gagawin natin kundi mag-TikTok, mag-Instagram, mag-Twitter. We can workout, we can read books, we can talk more with our family members, may time tayo sa ating friends. We can create a new hobby, we can learn a new instrument. Kasi sometimes ang social media it makes used in a good way. Magiging maganda, pero madalas kasi hindi natin naku-control eh.

“Ang dali dali nang mag-type, ang daming magsabi ng negative comments sa kapwa. Kaya ang best advice ko is iwas na lang din and alam ko naman low key tayo ngayong pandemic. So, it’s very important to keep close contact with your friends and your family members,” dagdag na pahayag ni Andrea.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with