^

PSN Showbiz

Sharon umpisa na sa Probinsyano, Julia nilantad ang beach trip nila ni Coco

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon umpisa na sa Probinsyano, Julia nilantad ang beach trip nila ni Coco
Sharon
STAR/ File

Mapapanood na sa wakas si Megastar Sharon Cu­neta sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang ang bagong karakter na si Aurora ngayong Biyernes (Nobyembre 26) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. “November 26 na po ang simula ko sa FPJ’s ANG PROBINSYANO!!! Kita-kits po!!!” pag-iimbita ni Sharon sa Instagram post niya kasama ang isang video teaser para sa kanyang karakter.

Ayon sa programa, babaguhin ni Aurora ang takbo ng laban ni Cardo (Coco Martin) para sa bayan.

Nag-post din ang Megastar ng mga litrato niya kasama ang co-star na si Tirso Cruz III at isa sa mga direktor ng serye na si Malu Sevilla. “We are such a happy family here. Where has this show been all my life?!! I wish I could’ve joined sooner but what I will do is thank the good Lord for bringing this show to me and making me a part of it!!! Sana ‘di matapos ever ang show na ito! Happy na ako dito forever!!!!,” sabi ni Sharon sa kanyang post.

Napapakinggan din sa video teaser ang pinakabagong theme song ng serye na  ‘Di Ka Nag-Iisa, na kinanta ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Sa pagpapatuloy ng kwento ng FPJ’s Ang Probinsyano nga­yong linggo, pansa­mantalang nagsanib-pwersa ang mga grupo nina Cardo at Mara (Julia Montes) para matakasan ang kanilang mga kalaban. Bukod kay Cardo, pinaghahanap pa rin ni Lily (Lorna Tolentino), ang first lady ng bansa, si President Oscar (Rowell Santiago) kaya naka-high alert ang mga otoridad para mahuli nila ang dalawa.

Magdadala ba ng kaayusan o kaguluhan si Aurora sa buhay ni Cardo?

Samantala, umani ng maraming puso sa social media ang beach post ni Julia na may photo si Coco.

Oo nga at hindi sila magkasama sa photo habang nasa beach pero ayun nga ang paniwala ng marami, kasama na ito sa mga validation nila ng kanilang relasyon.

“Today is a great day to smile and be happy?,” ang caption ni Julia.

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with