^

PSN Showbiz

Diego, parang nanay pa rin ang tingin kay Barbie

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Diego, parang nanay pa rin ang tingin kay Barbie
Diego at Barbie
STAR/ File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatrabaho ni Barbie Imperial para sa pelikulang Dulo ang kasintahang si Diego Loyzaga. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa Viva Films dahil matagal na raw nitong pinangarap na makasama ang aktor sa isang proyekto. “Ako po sobrang saya, sobrang happy kasi sinabi ko naman po before na gusto kong maka-work si Diego. Sobrang happy and grateful ako sa Viva na binigyan nila ako ng project kasama si Diego. Meron pa actually kaming gagawin sa Viva and happy ako na si Diego ‘yung una kong nakasama,” nakangiting pahayag ni Barbie.

Kahit kumportable na ang magkasintahan sa isa’t isa ay nagkailangan pa rin daw sa mga eksenang ginawa sa bagong pelikula. “Yes, sobra. Ako po sobrang nailang ako umakting kasama si Diego. Pero after ng ilang days naman nasanay na. Mas madali na, okay naman na. Actually may time na hindi po kami nagpapansinan masyado no’ng mabibigat na ‘yung mga eksena,” kwento ng aktres.

“Parang totoong away kasi (ang mga eksena). Siyempre kung ibang co-actors ‘yung kasama ko tapos may confrontation scene kailangan ‘yung huhugutan mo totoo. Eh kami ni B (tawag ni Diego kay Barbie) since kami talaga, ‘yung mga pinaghuhugutan namin totoo talaga. So iba ‘yung bigat. Mas personal siya,” paliwanag naman ni Diego.

Samantala, para sa binata ay ang pagiging maalalahanin ni Barbie ang isa sa mga nagustuhan niya sa aktres. “I can see her as the mother of my children. Nakita ko ‘yon kay B, really early pa sa relationship. Noong nanliligaw pa lang ako sa kanya. How organized she is as a person when it comes to work. She’s maternal. Sobrang caring niya like a mom, ‘yon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya,” pagtatapat ng aktor.

Joshua, gustong makagawa ng rom-com

Napahanga si Joshua Garcia sa pagiging magaling na aktres ni Charlie Dizon. Ang dalaga ang pangunahing bida sa teleseryeng Viral Scandal kung saan ay si Joshua naman ang katambal nito. “Magaling siya, nagulat ako sa kanya kasi ibang Charlie’yon (sa eksena). Ang galing lang, naa-appreciate ko ‘yung trabaho niya do’n, ang galing,” bungad ni Joshua.

Mas nakilala raw ng aktor ngayon si Charlie dahil madalas na nagkakausap sa kanilang lock-in taping. “Okay siya bilang tao. Mausap, magaling siya mag-approach, approachable siya. Mahilig siya mag-take ng risk as a person. Gusto ko siya as a person, hindi ko ma-explain ‘yon. Wala akong masabi. Tama siya talaga ‘yung dapat maging best actress nga talaga siya. Magaling naman siya sa trabaho niya and I think isa siya sa buhay ng set,” makahulugang pahayag ng binata.

Nangangarap si Joshua na muling makatambal si Charlie sa isang proyekto na romantic-comedy ang tema.

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with