^

PSN Showbiz

Elisse, babalansehin ang trabaho at pagiging full-time mom

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elisse, babalansehin ang trabaho at pagiging full-time mom
Elisse

Kamakailan ay ginulat nina Elisse Joson at McCoy de Leon ang mga tagahanga nang umamin na mayroon na palang anak ang dalawa. Ngayon ay pitong buwang gulang na ang supling ng magkasintahan na si Felize.

Marami ang napahanga at nagsasabing mukha namang hindi nagbuntis at nanganak ang aktres dahil sa magandang pigura nito. “During my pregnancy lumobo rin po talaga ako. Though kasi petite girl ako talaga. Hindi naman ako ‘yung lalaki nang sobra-sobra. But I really gained weight. No’ng pagkapanganak ko, doon ako nag-diet talaga. I went on a very slight keto diet. It worked well for me and then ‘yung exercise, tyinaga ko po talaga na araw-araw kailangan mapawisan ako. Kailangan tumatakbo ako, matatag ‘yung katawan ko,” pagbabahagi ni Elisse.

Sisikapin umano ng aktres na pagsaba­ying ang pagiging ina kay Felize habang gumagawa ng mga proyekto sa show business. “Sabi nila mahirap mag-balance ng work and being a mom. But ‘yun nga, sabi ko po right now I’m enjoying my time with Felize, with my family. And sa early stage niya ngayon, gusto ko present ako.

“Gusto kong maramdaman niya na meron siyang mom. Lalo na ngayon pa lang siya nagkakaisip. Gusto ko ring matutunan na i-balance na kaya ko pa ring magtrabaho even if I am a full time mom,” paliwanag ng aktres.

AJ, hindi kinaya ang mga panghuhusga

Naging emosyonal si AJ Raval dahil sa panghuhusga ng ilang netizens. Matatandaang naugnay ang baguhang aktres kay Aljur Abrenica na nakumpirmang hiwalay na sa asawang si Kylie Padilla.

Maraming paratang at masasakit na salita ang natanggap ng sexy actress dahil inamin nitong nililigawan siya ni Aljur. “Na-judge po ako, tingin ko alam naman ‘yon ng mga karamihan. Hindi ako nagsinungaling, nagsabi ako ng totoo pero na-judge pa rin ako. Nag-try akong mag-explain pero wala pa ring makaintindi,” emosyonal na pahayag ni AJ.

Hanggang maaari ay ayaw na raw munang ibahagi ng dalaga sa publiko ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. “Ayoko munang pag-usapan. Ayoko na pong magbitaw ng kahit anong salita tungkol sa love life or anything,” giit ng aktres.

Madiing itinanggi ni AJ na siya ang naging dahilan ng hiwalayan nina Kylie at Aljur.

Hindi na rin aktibo ang aktres ngayon sa social media dahil sa kanyang mga naranasan.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ELISSE JOSON

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with