^

PSN Showbiz

Pauleen at Yasmien, mas lalong papasang sexy star nang magkapamilya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pauleen at Yasmien, mas lalong papasang sexy star nang magkapamilya
Pauleen Luna and daughter Tali
Pauleen Luna via Instagram

Alam mo, Salve, na maligaya ang isang babae ‘pag lalo siyang gumanda pag nag-asawa at nagkaroon ng mga anak. Mas lalong gumanda si Marian Rivera nang magkaroon ng dalawang anak. Sina Pauleen Luna at Yasmien Kurdi na noon mga dalaga pa ay mga chubby ngayon meron nang waistline at mas naging sexy.

‘Yung inner happiness talaga ang hirap itago, nagbibigay ito ng glow at confidence na dagdag ganda talaga.

‘Pag nakikita mo ang glow nina Yasmien at Pauleen ngayon alam mo how happy they are, how contented sa married life nila.

Kudos talaga sa mga asawa nila dahil alam mo na alagang-alaga sila ng pagmamahal. Sabi ko nga, kung dati hindi mo mahanap ang waistline nina Yasmien at Pauleen, aba ngayon naka-two piece na sila.

Bongga na ang mga body, puwede nang bold stars, hah hah hah, joke joke.

Papayag ba naman sina Rey at Bossing Vic, o kaya si Talitha at Ayesha, siyempre ayaw noh?

Bashers, sinubukan ang patience at emotional strength

Talagang test of patience at emotional strength ang bashing. Makikita mo talaga na kung gaano kalakas ang pasensiya ng isang tao ‘pag binasa mo ang masasakit na salita o minsan ay pagmumura pa ng mga tao na hindi mo kilala.

Hindi mo nga alam paano sila nagkakaroon ng oras na maging ganito ka-harsh o kalupit sa mga komento nila.

Hindi ako nagtaka na hindi napigilan ni Vice Ganda ang mapikon, at kung bakit ang iba nakikipagsagutan din sa bashers.

Talagang test sa emotional state mo ang pagbabasa ng mga bashing. Sodo-macho ka talaga para matiis mo, at talagang may pagka-bully ka rin para matanggap mo.

Siguro nga dahil matanda na ako, matibay-tibay na kaya nakaya ko. At siguro nakatulong din na laking kalye ako at may pagkaharagan din kaya nakakaya ko ang pagbu-bully na ginagawa ng bashers ko.

Patibayan talaga, at salamat naman medyo nagsawa na rin yata ang ilan sa kanila dahil dedma lang ako, walang keber sa mga sinasabi nila.

Sabi ko nga kaya ko basta huwag lang gagamit ng masamang salita, kasi basta nagmura parang teka, babalik squatter ba ako para patulan ito na ugaling kalye? Dapat medyo tumaas na level mo ‘di ba, ano iyon hanggang ngayon nasa kalye ka pa rin? Kung sino ka, makikita sa salita mo na ginagamit, kaya ingat-ingat!

vuukle comment

PAULEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with