^

PSN Showbiz

Aktor, tumigil sa pagbibisyo nang ma-in love

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Buti na lang at nakaiwas na ang isang kilalang male personality sa matagal niyang tinutukang pagbibisyo. Maayos na siya ngayon, nakatakas na siya sa sumpa, pero naaalala pa rin ng kanyang mga nakatrabaho nu’n ang masaklap niyang pinagdaanan.

Sayang naman kasi talaga kung mauuwi lang sa wala ang talento ng male personality. Guwapo na siya ay magaling pang umarte.

Pag-alala ng aming impormante, “Kung hindi siya agad nagising sa katotohanan na walang mangyayari sa buhay niya, siguradong hanggang ngayon, e, nakapailalim pa rin siya sa bisyo.

“’Yun ang darkest moment ng buhay niya. Hindi siya ma­disiplina ng pamilya niya, wala siyang pinakikinggang kahit sino, kaya lumalim nang lumalim ang pagbibisyo niya,”  kuwento ng aming source.

Isang serye ang ginawa niya na talagang puro indulto ang inabot ng produksiyon. Gusto na sanang patayin ang role niya, pero masisira ang takbo ng istorya, kaya pinagtiisan pa rin siya.

Patuloy ng aming source, “Maraming eksenang kasama siya. Talagang cause of delay siya dahil umaga ang calltime niya, pero after lunch na siya dumarating.

“At hindi pa siya nakahanda, kulang-kulang ang mga requirements niya, malaki siyang problema ng production. Paano nga, nagkikita na lang sila ng PA niya sa set.

“Kung saan-saan siya nanggagaling, hindi pa siya naliligo, diretso na siya agad sa taping. Mukha siyang mabaho, wasted na wasted ang itsura niya dahil sa kawalan ng tulog at pahinga.

“Heto pa. Siyempre, kapag nagtatagal na, e, bumababa na ang tama niya, di ba? Nanghihina na siya, iniimbita na siya ng antok. Gustung-gusto na niyang matulog!

“E, paano na ang mahahaba niyang lines, natural, hindi na niya mai-deliver ‘yun, kasi nga, wasted na siya, e! Bagsak na ang katawan niya, halos hindi na siya makagalaw, grabe ang pinagdaanan ng male personality na ‘yun!” pag-alala pa ng a­ming source.

Dakilang pag-ibig ang nagpabago sa male personality, kapag hindi siya nagbago ay hihiwalayan siya ng babaeng mahal na mahal niya, wala siyang pamimilian kundi ang magbago.

“Ngayon, umaariba na naman siya sa acting, ang galing-galing niya pa rin, mukhang mabango na siya dahil may nag-aalaga sa kanya.

“Hindi na siya sumisisid ngayon sa pagbibisyo, nagbago na talaga siya, isinusumpa na niya ang bisyong sumira sa buhay niya!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Claudine, ayaw pang patahimikin ang kaluluwa ni Rico?!

Dalawang isyu ang pinaputok ni Claudine Barretto. Una ay ang diumano’y pagpapabaya sa kanya sa emergency room ng isang ospital.

Ikalawa ay ang love note daw sa kanya ng namayapang si Rico Yan nu’ng magkarelasyon pa sila. Ang problema ay nagdalawang-isip ang ating mga kababayan na paniwalaan ang kanyang mga posts.

Alangan naman daw na hindi siya nakilala ng mga nurses sa ER ng ospital na pinuntahan niya dahil sa sobrang sakit ng kanyang tiyan. Dalawang oras daw siyang pinaghintay at wala raw doktor sa ER.

Malaki naman talaga ang ipinagbago ng itsura ni Claudine Barretto ngayon. Para siyang siopao na sumobra ang pag-alsa dahil sa kanyang katabaan. Pero makikilala pa rin siya sa kabila nu’n.

At tama si prop, siguro raw ay inuna muna ng mga nurses ang mga pasyenteng totoong nangangailangan ng pagtutok, dahil si Claudine ay abalang-abala sa kanyang cellphone para sa IG post niya.

Pinagdudahan ng mga netizens ang kanyang sumbong tungkol sa ospital na binura rin naman niya agad.

Isa pang pinagtaasan ng kilay na nauwi sa pamba-bash kay Claudine ay ang inilabas niyang love note daw sa kanya ni Rico Yan nu’ng mga huling taon ng dekada ‘90.

Mahigit na dalawang dekada na ang love note, pero napansin ng mga Maritess na bagung-bago pa ang papel na ginamit, saka hindi raw naman ganu’n ang handwriting ng yumaong aktor ayon sa kanyang mga tagasuporta.

May katwiran du’n si Claudine, si Rico raw talaga ang sumulat nu’n, ang tawag daw sa istilo ng pagkakasulat ay Assumption calligraphy penmanship.

Pero sinigurado ng isa naming source na pinagtaasan lang ng kilay ng pamilya ni Rico ang pasabog ni Claudine. Sana raw ay patahimikin na lang niya ang kaluluwa ng aktor.

At tandang-tanda pa namin. Mahal Na Araw nang makitang patay na ang aktor (March 28, 2002), nu’ng mga panahong ‘yun ay si Raymart Santiago na ang kasama ni Claudine sa bahay ng kanyang mga magulang sa Subic habang nagba-barbecue sila.

Paano nangyaring magkarelasyon pa rin sila ni Rico nang pumanaw ang aktor? Sila na ni Raymart ang magkarelasyon nu’n. Pramis!

vuukle comment

CLAUDINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with