^

PSN Showbiz

Pinaka-unang Reina ng Tahanan, kokoronahan na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pinaka-unang Reina ng Tahanan, kokoronahan na!
Reina ng Tahanan
STAR/ File

Matapos ang anim na buwan ng kompetisyon, isang buhay ng ina ang maaring magbago ngayong Sabado (Nob.20) sa pagkorona ng Reina ng Tahanan sa kauna-unahan nitong grand winner sa It’s Showtime.

Nag-iintay ngayon ang pitong grand finalists na sina Diana Jade Salundaguit, Catrina Antonio, Analyn Salvador, Zenaida Villas, Lilia Aban, Yolly Magat, at Julianne Torres kung sino ang mananalo sa wildcard special ng contest na Reina ng Tahanan: The Mommy Returns at kokompleto sa listahan ng finalists.

Ngayong linggo, may pagkakataong muli ang 12 hindi malilimutang Reinanays na magpapakitang gilas para ma-impress ang choosegados na sina Amy Perez, Janice de Belen, Ruffa Gutierrez, at ang special guest nila na si Regine Velasquez.

Bukod naman sa pasabog ng Reina ng Tahanan, tuloy-tuloy naman ang pagdiriwang ng ika-12 taon ng programa sa mga artistang dadalaw at sasali sa  Madlang Pi-Poll ngayong linggo.

Nauna na ang Viral Scandal lead stars na sina Dimples Romana, Jake Cuenca, at Charlie Dizon para subukan mahulaan ang mga sagot ng madlang pipol. Nakapag-uwi sila ng P70,000 at ido-donate nila ito sa 100 pamilyang nasunugan sa Project 6 sa Quezon City noong Hunyo.

Sa mga susunod na araw, abangan ang pagbisita ng celebrity mothers na sina Candy Pangilinan, Vina Morales, at Shamcey Supsup, Pinoy Big Brother hosts na sina Bianca Gonzales at Enchong Dee, ABS-CBN News reporters na sina Jeff Canoy, Johnson Manabat, at Migs Bustos, at mga miyembro ng Ex-Battalion.

vuukle comment

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with