^

PSN Showbiz

Mommy ni Sarah, may tindahan ng mga pre-loved!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mommy ni Sarah, may tindahan ng mga pre-loved!
Sarah
STAR/ File

Ang galing ng fans ni Sarah Geronimo. Sumagot sila sa sinulat ko kahapon tungkol sa restaurant  na ino-ope­rate noon ni Mommy Divine na ngayon ay giba na.

Ayon sa isang tweet, nakasama ang lote na kinatatayuan ng Geronimo’s Cafe sa gagawing Mega Subway ng pamahalaan.

Pero kung giniba na raw ito, meron naman isa pang commercial lot ang family ni Sarah na nasa opposite side ng nasabing restaurant na pawang organic ang sini-serve na pagkain noon, ang Johngrasher Merchandise at diumano ang mga binebenta ay pre-loved toys, home displays, apparels, bags, shoes, etc.

Tweet pa ng fans ni Sarah, mukhang nailipat na rin nila yung Imo’s from Mindanao Avenue to Lacson Avenue sa Sta. Cruz Manila kung saan nga may ipinakita pa silang picture ng nasabing restaurant na may signage ng Imo’s.

Actually, super faithful ang fans ni Sarah G. at super sipag mag-update tungkol sa kanilang idol.

At ang latest nilang pino-promote ay ang public screening sa Philippine Film Festival sa Singapore ng pelikulang Unforgettable starring Sarah sa Nov. 20 & 21, 2021 at 2:00 p.m. at The Projector.

Ang Philippine Embassy in Singapore at Film Development Council of the Philippines ang main sponsor ng nasabing event.

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with