^

PSN Showbiz

Mga artista, nakikita ang tunay na ugali sa alalay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga artista, nakikita ang tunay na ugali sa alalay
Lorna.

Isa sa batayan ko ‘pag tinatanong ako kung ano ang palagay ko sa ugali ng isang artista, ‘yung alalay niya o personal assistant, o ‘yung nakikita ko na kasama niya. ‘Pag ang artista papalit-palit ng kasama lalo na ang driver, para sa akin merong something. Kasi ‘pag maayos ang trato mo sa kasama mo, hindi aalis iyon.

Puwede rin namang meron ding maarte na alalay, na maikli ang utak kaya madali ring umayaw sa trabaho, or ikaw mismo ayaw mo ng driver dahil abusado, pero mostly ang dahilan masama ang ugali ng amo. Kasi ‘pag maayos ang trato mo sa kanila, para na ring part ng family na nasa iyo sila hanggang dulo.

Si Yaya Luring ni Sharon Cuneta, si Dina ni Lorna Tolentino, si Beth ni Rudy Fernandez, si Erlie ni Alma Moreno, at ‘yung ibang stars na para na ring members ng family nila ang mga staff nila. Doon mo mararamdaman how good they are, ‘yung trato nila sa mga kasama, hindi ‘yung pagtrato nila sa outsiders. Puwede kasi na put on lang ang pagiging sweet nila, pakitang tao, pero ang tunay na ugali nila, kita iyon ng mga taong lagi nilang kasama.

Hindi nila maitatago dahil nga kita sila at close range. Ang iba kaya umaalis ang staff dahil maramot sa pagkain, ang iba dahil sobra sa verbal abuse, ang iba meron pang physical, kaya ‘yung mga horror story na iyon ang batayan kung talaga bang mabait o hindi ang isang tao. ‘Pag lagi na iba ang alalay, maniwala ka, may something talaga. Pero ‘pag solid ang kasama, sure ako, mabait ang star.

Eleksyon 2022, umiinit ang labanan

Parang ang hot hot na ng election fever. Ang dami-dami nang nagaganap. Imagine mo umpisa pa lang meron nang nagpapa-withdraw kay Bongbong Marcos. Para bang gusto agad pigilan, hah hah hah. Tapos wala ring sawa sa kapipilit tumakbo si Sara Duterte. Very exciting kasi ang personality niya at bongga sa tao ‘yung pagsapak niya noon sa isang barangay official. Doon siya naiba sa mga naging kandidato na babae, ‘yung to your face na stand niya.

Hindi mo narinig na nanapak sina Tita Cory (Aquino) at Ate Glo (Gloria Macapagal Arroyo). Lalo na si Mama Leni (Robredo). Hawak ni Sara ang korona diyan. Hitsurang punching bag si Manny Pacquiao sa rami ng issues, pero tuloy ang laban para sa kanya.

Ang galing nga ng line-up ngayon, iba-ibang putahe. Si Isko Moreno kahit medyo bumpy noong una ang pasok mukhang nakakaagapay na sa laban, at tuluy-tuloy na ang trabaho. Quiet lang si Ping Lacson pero marami ring supporter dahil ang dami nang streamers na nakikita ko.

Basta ako iboboto ko ang gusto ko, pero kung sino ang mananalo, igagalang ko at susundin ko ang mga batas na gusto niya para sa atin. Isang araw lang eleksiyon, pero anim na taon siyang magiging Pangulo ng mahal nating Pilipinas. Kailangang makipag-cooperate tayo sa kanya dahil siya ang pinili ng tao na mamuno sa atin.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with