^

PSN Showbiz

Charlie, nanliit nang makatabi si Joshua

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Charlie, nanliit nang makatabi si Joshua
Charlie at Joshua.

May awkward moment pala sina Charlie Dizon and Joshua Garcia nang unang magkita sa taping ng upcoming series nilang Viral Scandal.

Hindi naman daw nagtagal ‘yun at naging ok sila agad pero ang medyo nagulat lang si Charlie ay ang tangkad pala ni Joshua at parang ang liit ng pakiramdam niya nang magtabi na sila.

Pero ano nga ba ang masasabi nilang ‘viral scandal’ nila so far?

Para kay Charlie, ang panghuhusga sa kanya: “Siyempre, naiintindihan ko naman po na bago ako, hindi nila talaga ako kilala and hindi nila alam kung ano ang ibibigay ko rin. Kaya na-gets ko naman siguro ‘yun ‘yung judgment nga nila sa umpisa.

“Pero ‘yun, siguro ‘yun lang ‘yung pinakamatinding pinagdaanan ko noon na nahirapan ako kasi nga bago pa lang ako, so, hindi ako sanay na ganun,” banggit ng young actress sa digital mediacon ng Viral Scandal two days ago na nag-training pa sa Korea bago naging Kapamilya star.

“Kahit hindi ko siya isipin, naiisip ko talaga. Like kahit hindi ko siya tingnan, naiisip ko pa rin na alam kong maraming nangba-bash,” pag-alala niya kung paano siya hindi siya nakatulog noon though mabilis din naman niyang natanggap.

Si Joshua naman ay hindi na bago sa ‘viral scandal.’

Paano nga ba niya ito hina-handle?

“Sayang energy ko kung iha-handle ko siya, ‘di ba? Pero syempre, ‘yung magagandang viral na nangyari sa akin, eh tine-tresure ko ‘yun kasi part ng journey ko ‘yun as an artist, as an actor,” aniya pa.

“Choose your battle talaga kasi sayang ang energy talaga, eh. Pagka binigyan mo ng importansiya ‘yung mga ganu’n na alam mong hindi makaka­tulong sa ‘yo. Depende sa sitwasyon,” dagdag pa ng aktor.

Sa Lunes na mag-uumpisang mapanood ang Viral Scandal sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

vuukle comment

CHARLIE DIZON

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with