^

PSN Showbiz

Kim, hindi nakipaglaro sa feelings!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, hindi nakipaglaro sa feelings!
Xian at Kim
STAR/ File

Nagkatambal sa teleseryeng My Binondo Girl sina Kim Chiu at Xian Lim noong 2011. Aminado ang aktor na talagang nagustuhan na niya ang dalaga noon pa man. “May tatlong lalaki sa My Binondo Girl. There’s Jolo Revilla, Matteo Guidicelli and my character. Mga gitnang part, si Jolo had to leave. Matteo also had some priorities then it came to one guy na ipa-partner kay Kim. Kaso no’ng panahon na ‘yun nakakatawa. ‘Yung na-shoot na nila sa character kong si Andy was, I was supposed to fall in love with the boy Kim. So may mga na-shoot na kami na nagtitinginan. Kasi ‘yung character ni Andy as written in the screenplay is a gay character. ‘Yon na ‘yung mga nakuhanan sa Hong Kong. Hindi nila alam totoong spark na sa totoong buhay. Doon na nag-start ang the rest is history,” kwento ni Xian.

Ayon naman kay Kim ay inabot din ng mahigit isang taon ang ginawang panliligaw ng aktor at naging opisyal silang magkasintahan noong 2012. “One and a half years, siyempre para sure. Ayaw ko namang makipaglaro sa feelings ko,” nakangiting pahayag ni Kim.

Para kay Xian ay hindi naman naging hadlang ang matagal niyang paghihintay bago nakamit ang matamis na ‘Oo’ mula sa aktres.

Miko, nag-mature pagkakasal

Simula Nov. 15 ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang tele­seryeng Viral Scandal na pinagbibidahan ni Charlie Dizon. Kabilang din sa bagong proyekto si Miko Raval. Matatandaang huling napanood ang aktor sa The Killer Bride dalawang taon na ang nakalilipas. Ayon kay Miko ay malaki na ang kanyang ipinagbago bilang isang aktor sa harap ng kamera. “Binigyan talaga ako ng sobrang malaking role dito na talagang pinu-push ako to my limits as an actor. Kasi even sa Killer Bride I wouldn’t cry as much, I wouldn’t be as emotional. If you know me very well I’m a very happy guy. I’m always smiling, I’m always very jolly. So when it’s my turn to be an actor, a very emotional guy. It’s very hard for me. Kaya very blessed and very challenged at the same time. I’m just really enjoying the ride,” paglalahad ni Miko.

Malaki umano ang naitulong sa aktor ng pagkakaroon ng pandemya pagdating sa trabaho. Naiba rin ang pananaw sa buhay ni Miko mula nang magpakasal noong Pebrero lamang. “Malaking difference kasi the last one I did was back in 2019 and then the two years we’re stuck in a bubble din because of the pandemic. In a sense nag-mature ako dahil parang we all discovered that life is so much more complicated. Hindi siya sobrang easy unlike before na we could go out and do whatever we want. So hindi lang siya in terms of me being married na parang nag-mature ‘yung approach ko in terms of acting. It’s also what’s happening around me. It helped also kasi parang when you love someone and when you commit yourself to a marriage, talagang iba na siyang level. Parang tumanda ako in a sense na mas alam ko na ‘yung ginagawa ko ngayon compared to what I was doing before. So parang nadala ko naman siya sa acting ko dahil mas committed na ako ngayon,” pagbabahagi ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with