^

PSN Showbiz

Vic, kay Pauleen lang nagtagal!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Vic, kay Pauleen lang nagtagal!
Pauleen at Vic.

Bagama’t nagpakasal lamang sina Vic Sotto at Pauleen Luna noong Enero 2016, nag-celebrate na sila ng kanilang sampung taong relasyon. Kung iisipin, dapat talaga silang mag-celebrate dahil iyan yatang sampung taon nila ang pinakamahaba ring relasyong napasukan ni Vic Sotto.

Kasi ang natatandaan namin, unang pinakasalan ni Vic si Dina Bonnevie noong 1982, pero tuluyan silang naghiwalay matapos lamang ang apat na taon noong 1986. Nakakuha sila ng annulment ng kanilang kasal noong 1992. 

Si Coney Reyes naman na nanay ni Vico Sotto, hindi naman pinakasalan ni Vic, dahil noong panahong iyon ay hindi pa naman annulled ang kasal nila ni Dina. Sa natatandaan namin, hindi pa rin annulled noon ang kasal ni Coney sa basketball star na si Larry Mumar, na siyang tatay naman ng kanyang panganay na si LA.

Bukod kay Dina at Coney, marami pang ibang nakarelasyon si Vic, nagkaroon siya ng iba pang mga anak, pero muli lang siyang nagpakasal noon sila na ni Pauleen. Kung 10 years na sila, ibig sabihin nagsimula ang relasyon noon pang 2011, at limang taon din ang lumipas bago sila nagpakasal. Noong kasal na sila at saka lang nagbuntis si Pauleen, at naging anak nga nila si Tali.

Marami ang humuhula na mukha ngang si Pauleen na ang forever ni Vic. Marami na rin naman kasi siyang dinaanan, siguro nga gusto na rin naman niya ang tahimik na buhay.

Hindi mo rin masabi, dahil kung magbubuhay binata iyan marami pa ring babaeng magkakagusto kay Vic, pero parang wala na iyon sa kanyang ambisyon.

Makikita mo naman ang mga ginawa ni Vic. Nagpagawa siya ng isang magandang bahay na siyang tinitirahan nila ngayon ng kanyang pamilya, at dahil pinakasalan nga niya si Pauleen, openly napag-uusapan ang kanilang relas­yon, hindi kagaya ng iba sa kanyang nakaraan na hanggang bulung-bulungan lamang.

Bagama’t open din ‘yun sa kanila ni Pia Guanio pero sa hiwalayan din ‘yun nagtapos.

Nang magdesisyon si Vic na pakasalan si Pauleen, hindi na siya bata. Nagkaroon siya ng limang taong pag-aralan iyon, at nang gawin niya ang desisyong magpakasal na muli, siguradung-sigurado na siya. Hindi mo masasabing nabibigla siya. Malayung-malayo sa unang sitwasyon noong magpakasal siya.

John Lloyd at Bea,tuloy uli ang pagtatambal?!

Ngayong araw na ito, sinasabi nga nilang makasisiguro na ang lahat na si John Lloyd Cruz ay taga-Kamuning na nga. Kung ano man ang naging problema matapos ang una nilang pag-uusap, siguro ay naayos na ngang lahat. Kasama na rin siya sa Christmas ID ng network, dahil hindi nga ba iyon ang nai-shoot na niyang kasama si Bea Alonzo.

Ngayong araw na ito ang sinasabing kumpirmasyon ni John Lloyd, na tiyak na mas malakas ang putok kaysa sa makakasabay niya doon sa Mother Ignacia. Aba eh napakatindi na ng pananabik ng mga tao kay John Lloyd at sinasabi ngang tiyak na sa pagbabalik niya ay papatok ano man ang gawin niyang proyekto.

Kaya lang nakakatawa ang sinasabi ng netizens, magkasama na raw sa isang network ulit sina Popoy at Basha, na characters na naging paborito ng fans sa isang proyekto nila sa Mother Ignacia ni BeA. Sana mabigyan naman ng pagkakataon ang mga taga-Kamuning na makagawa rin ng characters na magiging popular kagaya nina Popoy at Basha, after all marami na ring writers ng Mother Ignacia ang nag-jump ship na rin sa Kamuning dahil gusto naman daw nila na ang sinusulat nilang kuwento ay mapanood naman sa TV.

Dating sexy male star, nagsalita sa paghuhubad sa shower party

“Oo, inaamin ko na minsan nakumbida ako para mag-perform sa isang shower party. Pero katuwaan lang naman iyon, at wala akong ginawang mahalay. Hindi rin totoo na binayaran ako nang malaki kaya ako pumayag. Wala akong bayad doon dahil iyong ikinasal, pareho iyong lalaki at iyong babae, mga kaibigan ko,” sabi ng isang dating sexy male star.

Nagbigay naman siya ng statement dahil sa kumakalat na kuwento sa kanila na noong araw ay naghubo’t hubad daw siya sa isang shower party dahil binayaran siya ng twenty thousand.

“Hindi ako gagawa nang ganoon para sa ganoong halaga lang. Kaya lang ako pumayag ay dahil mga kaibigan ko nga iyon. Sexy ang sayaw. Sexy ang suot, inaamin ko iyon, pero hindi naman ako hubo’t hubad,” katuwiran pa ng sexy male star.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with