^

PSN Showbiz

Goma at Lucy, cool sa lovelife ni Juliana

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Cute naman na ipinagluto ni Mayor Richard Gomez ng pagkain ang BF ng anak na si Juliana. Imagine mo na talagang naglaan ng oras si Goma para sa bonding nila ng anak kasama pa BF nito na si Miggy.

Cool dad si Goma at one way na rin siguro para ganap na makilala ang future son-in-law kung sakali.

Parang kailan lang na batang-bata pa si Juliana ngayon may BF na. Talagang ang bilis ng panahon, at nakakatuwang makita ‘yung closeness ng mag-ama.

Lucky Juliana dahil parehong cool ang mga magulang niyang sina Goma at Lucy Torres.

Tiyak na happy family rin ang mabubuo ni Juliana ‘pag nag-asawa. At tiyak ko na mas magiging exciting ang Gomez household ‘pag meron nang mga apo.

Talagang naka-advance mode na ako, hanggang apo na, hah hah, tiyak titili ang Lucy at kunot noo si Goma.

Celeb parents, challenge ang pagpapalaki sa mga anak

Malamang malaking hamon sa celebrity parents ngayon ang pagpapalaki ng babies nila. Imagine mo na hindi nila freely maipasyal ang mga anak.

Hindi puwede sa mataong lugar at limitado ang lahat ng galaw.

Malaki talagang challenge ang kakaharapin nila sa pagpapalaki ng bata sa gitna ng pandemic. Andyan ang takot na baka magkasakit kaya ang hirap palabasin para maglaro.

Ang cute pa naman ng mga anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia, ‘yung anak nina Jules Ledesma at Assunta de Rossi, si Talitha Sotto hanggang bahay lang naglalaro, buti pa sina Zia at Ziggy talagang puwede silang dalawa lang playmates, si Scarlet sa loob ng clinic na lang namamasyal.

Hindi nila natikman ang malls, parks, playgrounds dahil nga sa social distancing at home school na nga para makapag-ingat. Nawala ang normal childhood nila dahil nga sa pandemic. Grabe talagang virus iyan.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with