^

PSN Showbiz

Dr. Vicki Belo at Chemist Pinky, nakakamangha ang tablescape sa halagang P1k

Pilipino Star Ngayon
Dr. Vicki Belo at Chemist Pinky, nakakamangha ang tablescape sa halagang P1k
Chemist Pinky at Dr. Vicki Belo

Muling mapapanood sa YouTube Channel ni Dra. Vicki Belo ang guesting niya sa programang Table Love by Pinky Tobiano sa ANC at iWant TV.

Interesting ang episode na ito na kung saan ay nag-tour si Dra. Belo sa tahanan ni Chemist Pinky at ipinakita ang mga naka-display na collections niyang plato.

Doon nakikita ang mga magagandang design ng plato ng Fornasetti, Hermes, Dior, Versace at marami pa.

Ginamit ang ilang kubyertos na ito sa ginawa nilang tablescaping.

Pero ang isa pang nakakatuwa sa ginawa nila ni Dr. Belo ay ang tinawag nilang ‘Tablescape On a Budget.’

Nakakamangha ang ginawa ni Chemist Pinky na nakabuo siya ng isang tablescape sa halagang isang libong piso lamang.

Gamit dito ang recycled bottle, mga halamang binili sa Dangwa na nagkakahalaga lamang ng sampung piso bawat isa, at ang iba ay 3 for 100 lamang.

Pati ang plato at mga kubyertos na binili nila sa isang mall ay hindi pa umabot ng P500.

Pero pagkatapos niyang ayusin ay nagmukha nang mamahalin ang naturang tablescape. “You don’t need to have an expensive budget to create a beautiful set,” pakli ni Chemist Pinky na binansagang ‘Queen of Tablescape. ’

Sa pagtatapos ng naturang vlog, ginawa ni Dra. Belo ang challenge ng pag-tablescape sa ilalim ng instruction ni Chemist Pinky na naka-blindfold.

Natuwa ang celebrity doctor na maganda ang kinalabasan ng tablescaping niya habang sinusunod ang instructions ni Chemist Pinky.

Mag-subscribe lamang sa YouTube Channel ni Dr. Vicki Belo para mapanood ang iba’t-ibang tablescaping at ang budgeted na tablescape.

Puwede kayong mag-follow sa Instagram account na tablelovebyPinky para sa iba’t-ibang tablescaping inspirations.

May matutunan kayo na magagamit sa paghahanda ng Noche Buena sa darating na Pasko.

vuukle comment

BELO

PINKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with