^

PSN Showbiz

Seth, nangangarap makawala sa anino ni Andrea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Seth, nangangarap makawala sa anino ni Andrea
Andrea at Seth
STAR/ File

Nangangarap si Seth Fedelin na makilala ng mga tagahanga bilang solo artist. Kadalasan daw kasi ay nakakabit ang pangalan ng katambal na si Andrea Brillantes sa tuwing may proyektong ginagawa. “Kasi si Andrea ‘pag nakilala siya sasabihin, ‘Ah si Andrea ‘yung nasa Annalisa ‘yan.’ Eh ako ‘pag ako tinanong mo sa tao, ‘Ah ‘yung ka-partner ni Andrea, si Seth.’ Ngayon gusto ko na may patunayan sa sarili ko. Siyempre unang-una sa sarili ko and then sa mga taong nandiyan na naniniwala sa akin. Gusto ko mapatunayan kay Andrea na sasabay ako sa kanya. ‘Yon ‘yung mas priority ko,” paglalahad ni Seth.

Aminado ang aktor na nagsisilbing inspirasyon sa kanya si Andrea. Humahanga raw si Seth sa pagiging ulirang anak ng aktres. “Gusto ko ‘yung pagiging anak niya sa magulang niya. Kasi nabigyan niya ng bahay, bawat kwarto may aircon ‘yung mga kapatid niya. Sa edad niyang ‘yan malaki na ‘yon. Siyempre sa pagtatrabaho niya kasi minsan tao lang din ako na napapagod din ako sa work. Siya ‘yung pumipitik sa akin minsan na, ‘Oy! Magtrabaho ka.’ So hindi lang basta iniisip namin ‘yung career naming dalawang magkasama kundi iniisip niya rin ‘yung career ko, individually. Siya minsan nagre-remind sa akin na sa IG na mag-post. Siya ‘yung nagpapaalala sa akin at tinutulungan niya akong matuto sa mga bagay na hindi ko alam. Dahil ako, galing ako sa ganitong buhay lang tapos biglang tumawid sa ganito. So ‘yung mga ginagawa ko ngayon ay hindi ko nakasanayan gawin noon. Siya ‘yung tumutulong sa akin kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Thank you sa kanya,” kwento ng binata.

Marco, gusto nang maging asawa ang susunod na karelasyon

Kahit walang kasintahan ngayon si Marco Gumabao ay nananatiling inspirado naman ang aktor. Ayon sa binata ay gusto na niyang maging asawa kung sino man ang kanyang susunod na makakarelasyon. “It doesn’t mean na whenever you say you’re inspired is always because of one person. Pwedeng with work, family, friends.  But of course, I date. I get to know women. Pero siyempre at the same time, gusto ko kasi my next girlfriend to be, ‘yon na ‘yung magiging wife ko. Kumbaga, ayokong magsayang ng oras. Ayokong magsayang ng effort, ng pera. Pandemic pa naman ngayon, bakit tayo magsasayang ng pera,” makahulugang pahayag ni Marco.

Ano nga ba ang hinahanap na mga katangian ng aktor para sa kanyang magiging kasintahan? “Naghahanap ako ng tao na talagang makaka-click ko. At the same time, importante sa akin talaga is Christian siya. Or kung hindi man Christian basta ‘yung open siya. At the same time dapat makaka-jive din ‘yung family ko. Ayokong sabihing choosy ako pero ngayon parang very maingat ako sa gusto kong piliin sa next girlfriend ko,” pagbabahagi niya.

Ngayon ay dalawampu’t pitong taong gulang na si Marco. Maraming kaibigan ng aktor ang mga nagpapakasal na pero hindi naman daw nagmamadali ang binata na humanap ng makakarelasyon. “I still have a lot of years to work on myself. So it will come. I know that God will give me the best girlfriend. Nakakalungkot na ang daming tao na, ‘Ah for this age dapat kasal na ako.’ Life is not a race. It’s a marathon, on your own pace kumbaga. ‘Wag mong ikukumpara ‘yung best friend mo sa ‘yo. Si Pat Sugui who is one of my best friends, ikakasal na siya soon. Ang daming nagtatanong sa akin, ‘Ikaw, kailan ka?’ Sa loob-loob ko, alam n’yo ba na I’m happy with my family. I’m happy alone as of the moment. I’m happy spending time with my workmates. Ang sarap lang,” pagtatapos ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with