Heart, tinaasan ang reward sa hinahanap na aso
‘Increased reward’ ang offer ni Heart Evangelista kahapon sa nawawalang aso na si Luka.
Sa kanyang tweet sinabi nitong : “sana matulungan niyo kami … Baka na sa edsa siya ? He is very afraid of people so Baka nagtatago sa mga bridge … last seen outside dasma village , around alpha land … pls refer to my other post for contact details.”
Pero sa kabila nang paghahanap nagagawa pa siyang i-joke na ilabas na kasi ang aso at ‘wag nang hintaying gawing P100,000.
Samantala, kinumpirma ni Heart na dapat ay nasa Paris siya pero dahil sa taping ng I Left My Heart In Sorsogon.
Invited din daw sa nasabing event ang sikat na Korean actress na si Song Hye Kyo.
“Yes but I needed to film for I left my heart in Sorsogon :) there’s always a next time :),” reply ng Kapuso actress.
- Latest