^

PSN Showbiz

Aktor, hinihintay maging legal ang damo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon pala ay alipin pa rin ng kanyang bisyo ang isang popular at magaling umarteng male personality. Hindi siya nagdodroga, hindi rin siya palainom, pero hindi siya makakalas sa kanilang sumpaan ng damo.

Dekada na ang binibilang ng kanyang bisyo, sigu­ro nga ay may positibong epekto sa kanya ang paghithit ng damo, baka du’n siya humuhugot ng galing sa pag-arte.

Pag-alala ng aming impormante, “Di ba, naging girlfriend niya nu’n si ____(pangalan ng isang magandang female personality)? Alam n’yo ba kung bakit siya hiniwalayan ng girl?

“Aba, ang gusto niya, e, ang mag-jamming sila ng girlfriend niya! E, wala namang bisyo ang girl, kaya hindi pumapayag kapag pinagagamit niya!

“Ayun, iniwan siya ng female personality, magdamo siyang mag-isa, ‘yun ang sinabi ng girl nu’ng magkahiwalay sila!” unang kuwento ng aming source.

Nu’ng minsang magkaroon ng show sa isang malayong probinsiya ang magaling umarteng male personality ay takang-taka ang kanyang mga kapwa artista kung paano niya nailusot sa eroplano ang mahiwaga niyang damo.

Patuloy ng aming source, “Pagdating na pagdating kasi niya sa hotel, e, nagpausok na siya agad sa hotel room niya! Paano nga naman nangyari ‘yun, e, super-kapkap ang mga otoridad sa airport?

“Maparaan ang male personality, kahit saan siya magpunta, e, maiiwanan niya kahit ang wallet niya, pero hindi ang wonder grass na bisyo niya!

“Ang tanong ngayon, nakaka-jamming kaya niya ang girlfriend niya? Matagal na kasi silang magkarelasyon, hindi siya iniiwan, kaya join the club na rin kaya ngayon ang girl sa bisyo niya?

“Magaling siyang umarte, kuwento ng mga katrabaho niya, e, nagkukulong muna siya sa CR bago sumalang sa eksena. Namumula kuno ang mga mata ng male personality kapag lumalabas na.

“Baka ‘yun ang pinaghuhugutan niya ng galing sa pag-arte? Impernes, mahusay talaga siyang umarte. Kabog na kabog nga niya ang mga kaeksena niya, lalo na ang mga babae, kahit ilan pa sila!

“Isa ang male personality na ito na umaasang sana, isang araw, e, maging legal na ang paggamit ng damo!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Paolo, lilipad sa New York?!

Maganda na rin ang ginagawa ni Paolo Contis na hindi nagpo-post ng kahit ano. Hindi rin siya nagpapainterbyu. Basta tahimik lang siyang nagtatrabaho.

Napakahirap nga naman ng sitwasyon na wala naman siyang negatibong ibig sabihin, pero nabibigyan ‘yun ng ibang kulay ng mga bashers, kaya wala siyang ikinokomento ay walang nagi­ging ugat ang mga bashing.

Trabaho lang siya nang trabaho ngayon, sa panahon ng pandemya na wala halos trabaho ang kanyang mga kasamahang artista, isa si Paolo sa hindi pinagdadamutan ng proyekto.

Nasa New York pa rin ang kanyang mag-ina, nagsalita si LJ Reyes tungkol sa usapin ng pagpapatawad, pero wala tayong narinig na anuman mula kay Paolo.

Siguro nga, para makapagpahinga naman siya sa kontrobersiya ay mas pinipili niyang huwag nang sumagot, hindi biro ang mga upak at birang inabot niya nang maghiwalay na sila ni LJ.

Pero alam ng lahat na naaalala niya si Summer, ang kanilang anak, hindi lang kami sigurado kung matutuloy ang pagpunta niya sa New York sa Pasko para dalawin ang anak nila ni LJ.

Sana nga, hindi naman kasi kasali sa hiwalayan nila ni LJ si Summer, hindi bale nang hindi pa sila nagkakasundo pero dapat ay hindi damay sa nangyari ang kanilang anak.

Napakalapit pa naman ng bata sa kanyang ama, si LJ mismo ang nagkukuwento na kung minsan ay nakakaramdam na ito ng selos, dahil sobrang close si Summer kay Paolo.

Isang araw ay magkukrus din ang kanilang landas. Pakakalmahin ng panahon ang kanilang damdamin. Ang mga sugat sa panahong ‘yun ay siguradong pinaghilom na ng kapalaran.

At makikita na lang natin na ang dalawang taong nagbatuhan ng paghusga ay maayos na. Nagkakaintindihan na. At baka nga meron na silang ibang kapareha.

Palagi namang ganu’n ang kinauuwian ng masaklap na hiwalayan. Walang hindi pinagagaling ang panahon.

Harinawa.

vuukle comment

PAOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with