MTRCB, nagkaroon ng power struggle!
Ah nagkaroon pala ng ‘power struggle’ sa bagong upong chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ayon sa source, diumano’y nagkaroon pa sila ng problema sa suweldo dahil nga sa pag-uunahan daw sa nasabing posisyon.
Bagama’t ayon sa source, si Atty. Ogie Jaro na ang nakaupo ngayon as chairperson.
Automatic daw kasi ang resignation ng dati nilang chair na si Rachel Arenas nang mag-file ito ng certificate of candidacy na kakandidato sa pagka-kongresista sa Pangasinan sabi pa ng source.
Medyo nagulo raw talaga ang nasabing ahensiya dahil nag-uunahan ang mga andun.
At diumano, hindi na raw nahintay ang decision ng Malacañang kung sino ang uupo as chairman.
Dating board member ng MTRCB si Atty. Jaro.
Kasalukuyan namang Executive Director ng MTRCB si Cagayan de Oro City Councilor and Congressman Jose Benjamin “Benjo” Benaldo na kung familiar man ang name ay dahil siya ang ex-husband ni sexy star na si Daiana Menezes.
- Latest