^

PSN Showbiz

Paolo dedma sa interview ni LJ, tinawanan ang nag-trending na sculpture

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo dedma sa interview ni LJ, tinawanan ang nag-trending na sculpture
Paolo

Natatawa na lang si Paolo Contis nang makarating sa kanyang nag-trending siya nung nakaraang Lunes ng gabi sa post ng sikat na miyembro ng BTS na si J Hope.

Nag-post ang Koreanong singer sa loob ng Museum na nag-pose sa isang sculpture ng isang ulo na ang sinasabi ng netizens ay akala nila ay ang Kapuso actor na si Paolo Contis.

Bilang napakaraming fans at followers ng BTS, lalo na ang Pinoy fans, tambak ang comments gamit ang hashtag na Paolo Contis.

Ang buong akala raw nila ay si Paolo ‘yun, dahil kamukhang-kamukha. At natawa na lang si Paolo nang makara­ting ito sa kanya.

Nasa taping siya ng I Left My Heart in Sorsogon, at may mga nagmi-message nga raw sa kanya tungkol sa post na iyon ni J Hope.

Maingat ang aktor na sa pagbibigay ng komento, at baka iba na naman ang maging dating sa ibang netizens.

Kahit nga sa huling interview ni Kuya Boy Abunda kay LJ Reyes ay tinanong na rin namin si Paolo kung napanood ba niya ito. Hindi na raw.

Maaaring umiiwas na lang siyang mag-react at mahingan pa ng sagot tungkol doon.

Malapit na ang airing ng drama series nila nina Heart Evangelista at Richard Yap na I Left My Heart in Sorsogon, at hindi maiwasang mapag-usapan na naman ito.

Sa tingin ko naman kaya ni Paolo harapin ang isyung ito, pero nasa GMA 7 na rin ang desisyon kung ipagbawal bang itanong ito para sa serye na lang mag-focus.

Pero proud na proud si Paolo sa I Left My Heart in Sorsogon, dahil ang ganda raw talaga ng kuwento nito at gustung-gusto niya ang role niya rito.

Jennie, first time umarte sa Sorsogon…

Isa sa binigyan ng GMA 7 ng break sa pag-arte ay ang maga­ling na singer na si Jennie Gabriel.

Bukod sa pagkanta na kung saan ay regular sa All-Out Sundays, magaling mag-impersonate si Jennie ng kilalang celebrities kagaya nina Angel Locsin, Jaya, Jessa Zaragoza at marami pa.

Kaya thankful siya sa Kapuso network at kay direk Mark dela Cruz dahil sa kanya raw ipinagkatiwala ang role ng isang kikay at baklang babaeng kababata at kaibigan ni Heart Evangelista sa I Left...

First love niya raw talaga ang pagkanta, pero na-enjoy rin daw niya ang pag-arte nang na-experience niya ito sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon.

“Parang workcation sa akin, kasi nagwu-work ka at nai-enjoy mo. Grabe ‘yung gastos ng GMA dito na isipin n’yo dinala kami lahat sa Sorsogon na sobrang ganda talaga ng Sorsogon.

“Sobrang na-enjoy namin ang first lock-in taping namin,” pahayag ni Jennie sa nakaraang virtual mediacon ng mga supporting cast ng naturang drama series.

Ilan pa sa talents ng GMA 7 na binigyan din ng magandang break dito sa ILMHIS ay ang batang si Bryan Eusebio.

Ginagampanan niya rito ang batang si Mikoy na si Paolo Contis. Nagsimula si Bryan sa pag-aartista sa GMA 7 nung 2013.

Female TV personality at hunk direktor, iba ang closeness

Namamalisyahan pala ngayon ng ilang grupo ng kabadingan ang closeness ng kilalang female TV personality at ng kanyang direktor.

May pagka-hunk si direk at may itsura naman. Kaya may ibang malisyang nararamdaman kapag nakikitang magkasama sila nitong female TV personality.

Madalas silang magkasama, pero hindi nagpu-post sa kanilang social media account na magkasama sila.

Nahahalata lang dahil may kanya-kanya silang post sa iisang lugar. Wala nga lang post na magkasama silang dalawa.

Malisya lang daw ‘yun, hindi ibig sabihin may ‘something’ sa kanilang dalawa.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with