^

PSN Showbiz

Maxene, muntik nang sumuko sa showbiz!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maxene, muntik nang sumuko sa showbiz!
Maxene Magalona

Mahigit isang taong nanirahan si Maxene Magalona sa Bali, Indonesia noong isang taon habang kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nawalan ng mga proyekto noon ang aktres kaya naisipang maging yoga at meditation teacher. “Dumating talaga ‘yung question na ‘yon sa akin na if ever man I was at a point in my life where I was telling myself, if ever hindi na ako magkaroon ulit ng offers sa pag-aartista, okay lang sa akin. Tanggap ko, I’m at a time in my life right now where I am learning to do my work but also to surrender to God’s plan. So no’ng time na ‘yon na wala sa isip ko ‘yung magkaka-offer ba ako or ano. I was really pressuring myself or I wasn’t thinking about it,” kwento ni Maxene.

Habang napapaisip nang itigil ang pagiging artista ay bigla namang isang proyekto ang natanggap na alok ng aktres. Napabilang si Maxene sa seryeng sa Viral Scandal na pinagbibidahan ni Charlie Dizon. Mapapanood na ang bagong programa simula ngayong Nov. 15. “Biglang dumating itong show na ‘to. Sabi ko, ‘Wow! Feeling ko parang meant to be.’ Sabi ko no’ng time na ‘yon hindi ko tatanggihan kasi blessing and at the same time feeling ko it was a sign from God that kailangan ko ipagpatuloy ito and I really do love acting,” paglalahad niya.

Ayon kay Maxene ay malaki rin ang naitulong sa kanya ng pagiging yoga ins­tructor bilang isang artista. Ngayon ay nakapagtuturo pa rin ng yoga si Maxene sa pamamagitan ng online class. “I just want to be able to apply everything that I’ve been learning through yoga and meditation in terms of connecting with my emotions. Kasi dati when I was acting I wasn’t really as open as a human and I wasn’t really as connected to my emotions,” pagbabahagi ng aktres.

 

Julia, nag-post ng pagmamahal kay Coco

Nagpaabot ng mensahe si Julia Montes para kay Coco Martin na nagdiwang ng ika-apatnapung kaarawan noong Nov. 1. Nakabilang ang aktres sa FPJ’s Ang Probinsyano nito lamang Agosto.

Malaki ang pasasalamat ng aktres kay Coco dahil ang aktor ang nagsisilbing inspirasyon para sa lahat ng mga kasamahan sa trabaho.

Unang nagkatambal sina Julia at Coco noong 2012 at mula noon ay naugnay na sila sa isa’t isa.

“Sa taong sobrang magmahal sa kapwa, kaibigan, pamilya at sa trabaho. Wag mong kakalimutan na biyaya ka sa lahat ng taong natutulungan at nakakasama mo.

“May the joy that you have spread come back to you not only on this day but through out the rest of your life

“Mahal ka namin (heart emoji) Happy birthday,” dagdag pa ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

MAXENE MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with