^

PSN Showbiz

Tambalang Alden at Bea, kinatatakutang mabantilawan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tambalang Alden at Bea, kinatatakutang mabantilawan!
Bea at Alden

Ang tagal nang hinihintay ng lahat ‘yung gagawing project nina Alden Richards at Bea Alonzo. Para bang nakakatakot na dahil sobra nang tagal baka mabantilawan ito o magsawa na sa kahihintay ng followers nila.

Bagay na bagay pa naman sa kanila ‘yung story na napili para gawin nila. ‘Yung very dramatic na love story na talagang tatak nina Alden at Bea.

Sana umpisahan na para may bagong panoorin ang followers nila. Lalo pa nga at mula noong lumipat sa GMA 7 si Bea up to now para bang wala pang solid na project na nagawa.

Nakakatakot pa naman na ‘yung replays ay mataas ang rating at mukhang gustung-gusto ng manonood. Nakakahiya ‘pag ‘yung replay ma­ging mas mataas pa kesa sa bagong project ‘di ba?

Kaya huwag hintayin na mawala ang interest ng followers. Gawin na agad at ipalabas na. Sayang ang first tambalang Alden at Bea. Gawin na, now na. Ano pa ba ang hinihintay?

Sabagay, lahat ng replay ni Alden mataas ang rating, kung talagang may problema sa team-up, puwede ring huwag na, ‘di bah? Kaya naman ni Alden kahit sino ang kapareha. Ok lang kahit walang Bea.

Elisse at Mccoy, hindi natakot maglantad!

Natawa ako sa comments sa Instagram page ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina raw ng radar ko, dahil nagkaanak ng baby girl pero hindi ko nalaman.

Kalokah ‘di bah? ‘Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. ‘Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter. Kaya nga ayoko ko nang i-take seriously ‘yung comments. Pero merong magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge rin sa iyo na mabasa ang comment nila.

Totoo nga na don’t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, doon ka lang makipag-usap sa mataas ang mental level para dagdag talino pa.

Gusto kong batiin sina Elisse Joson at McCoy de Leon, dahil buong tapang nilang inamin ang tunay nilang estado. Kinuha nilang ninong ng baby girl nila si Direk Lauren Dyogi dahil gusto nilang manahin ng baby ang wisdom ni Direk Lauren Dyogi.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with