^

PSN Showbiz

YeY, balik-tv simula ngayong nobyembre sa Jeepney TV at Kapamilya channel

Pilipino Star Ngayon
YeY, balik-tv simula ngayong nobyembre sa Jeepney TV at Kapamilya channel

MANILA, Philippines — Mas marami pang batang Pilipino ang makakapanood ng kanilang paboritong animated at Kapa­milya kiddie shows dahil nasa TV na muli ang YeY simula Nobyembre 6 (Sabado) sa pamamagitan ng Jeepney TV at Kapamilya Channel.

Buong linggo na mapapanood ng mga chiki­ting ang mga kinagigiliwang YeY kiddie shows sa YeY Weekend at YeY Weekdays blocks sa Jeepney TV.

Tuwing Sabado, makakasama ng mga bata sina Kongsuni at ang magical owl na si Seyo sa masayang adventures na kapupulutan din ng aral sa Kongsuni and Friends ng 8 a.m., kasunod ang Team YeY at kanilang nakaaaliw na bonding activities sa ganap na 9 a.m. at ang tawanan to-the-max kasama ang stars ng iconic kiddie gag show na  Goin’ Bulilit ng 9:30 a.m.

Sa Linggo naman, mas sisigla ang araw sa panonood ng mga patok na pambatang blockbusters sa KidSine Presents mula 8 hanggang 10 ng umaga.

Tuloy rin ang saya mula Lunes hanggang Biyernes sa YeY Weekdays block, tampok ang mga back-to-back episode ng science-fantasy cartoon series na Johnny Test ng 8 a.m. at ang action-packed adventures ni Max Steel ng 9 a.m.

Sa Kapamilya Channel naman, puwede ring makisali ang mga chikiting sa sayang hatid ng YeY Weekend tuwing Sabado, mula 6 hanggang 7:40 a.m. Tampok din dito ang back-to-back episodes ng Max Steel, pati ang mga Kapamilya kiddie show na Team YeY (6:45 a.m.) at Goin’ Bulilit (7:10 a.m.).

Available na rin sa free TV ang mga programang ipinakilala ng YeY tulad ng Peppa Pig at Rob the Robot, na mapapanood tuwing Sabado, 8 to 9 a.m., pati na rin ang Team YeY at Goin’ Bulilit na mapapanood tuwing Sabado at Linggo, 9 to 10 a.m. sa Kidz Weekend ng A2Z, simula Nobyembre 6.

Mahigit 1 milyon na ang subscribers ng YeY YouTube channel at may 970,000 followers na rin ito sa Facebook, kung saan ito rin ang number 1 Philip­pine kids page pagdating sa video content ayon sa website na Tubular. Sa pagbabalik nito sa TV, layunin ng YeY na makapagbigay saya at aral sa mas marami pang mga bata at sa kanilang pamilya.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with