^

PSN Showbiz

Rachel Alejandro, may comeback album

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rachel Alejandro, may comeback album
Rachel Alejandro
STAR/ File

Hatid ni Rachel Alejandro ang bagong bersyon ng ilan sa mga sikat na Original Pilipino Music (OPM) hits sa kanyang unang album mula Star Music na senyales na rin ng pagbabalik ng batikang mang-aawit sa recording scene.

Kasama sa Rachel Alejandro: The Great OPM Songbook Vol. 1 ang walong classic OPM songs na binigyan ng bagong areglo para sa bagong henerasyon at para na rin sa mga young-at-heart.

Bida sa album ang bersyon niya ng Ang Pag-ibig Kong Ito na orihinal na awitin ni Leah Navarro na ngayon ay binigyan ng jazz na tunog.

Kasama rin sa album ang mga kantang Catch Me, I’m Falling, Hanggang, Ikaw, Kahit Habang Buhay, Kung Ako Ba Siya, Kung Ako Na Lang Sana, at  Sabi Na Nga Ba.

Kilala bilang orihinal na Queen of Heartbreak Songs si Rachel na bukod sa pagiging matagumpay na singer ay isa ring aktres, producer, host, at entrepreneur na mahigit 30 taon na sa industriya.

Ilan sa mga pinakatumatak niyang awitin ang Paalam Na, Nakapagtataka, Kay Tagal, at Mr. Kupido.

Bilang aktres, huli siyang napanood sa mga pelikulang Ang Larawan noong 2017 at Quezon’s Game noong 2019.

Nitong lang Hulyo, opisyal na rin siyang naging Star Magic talent at nakatakda ring bumida bilang Nathalia Lucero sa inaabangang Kapamilya serye na The Broken Marriage Vow.

vuukle comment

OPM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with