^

PSN Showbiz

BINI at BGYO all-out ang hatawan, kantahan sa sibling concert

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BINI at BGYO all-out ang hatawan, kantahan sa sibling concert
BGYO
STAR/ File

Isa-isa nang natutupad ang mga pangarap ng BINI at BGYO dahil pagkatapos i-release ang debut albums nila ngayong buwan, magpapasiklab na sila sa inaabangang sibling concert na One Dream: The BINI & BGYO Concert  ngayong Nobyembre 6 at 7 sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Sulit ang concert dahil higit sa 40 na awitin ang kakantahin ng BINI at BGYO, kabilang na ang mga awitin mula sa albums nilang Born to Win at The Light, at magkaiba rin ang setlist sa dalawang shows nito.

Halos hindi na rin makapaghintay ang fan groups nilang BLOOMs at ACEs sa concert kaya naman naging sold-out agad ang limited edition concert merchandise nila sa loob lamang ng sampung minuto noong maging available ito noong nakaraang linggo.

Bukod sa BINI at BGYO, mapapanood din ng fans ang bonggang performan­ces ng guest artists na sina AC Bonifacio, Kritiko, at KZ Tandingan sa Nob­yembre 6. Sa Nobyembre 7 naman, mas maraming live collaborations ang BINI at BGYO, may sub-unit performances, malakasang biritan, at fan meet sa KTX.PH.

Bumili na ng SVIP tickets na nagkakahalaga ng P1,950 o US$39.99 para mapanood ang dalawang shows at makasali sa fan meet sa KTX.PH. Mayroon ding VIP tickets sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa halagang P1,490 o US$29.99 para makapanood ng parehong shows.

Nakapagtala na rin ng isang milyong streams sa Spotify ang BINI, habang umabot na sa 300,000 YouTube views ang music video ng bagong single ng grupo na  Golden Arrow.

Samantala, umabot na rin sa limang milyong streams ang naitala ng The Light  full album, habang nagkamit na ang latest single nilang When I’m With You ng higit sa 400,000 Spotify streams at 400,000 YouTube views.

Pagkatapos nito, magpapasiklab sa international fans ang dalawang grupo sa 1MX Ultimate Music Festival sa Dubai sa Disyembre 3.

vuukle comment

BINI & BGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with